Pseudoephedrine - oral

Novartis | Pseudoephedrine - oral (Medication)

Desc:

Ang Pseudoephedrine ay ginagamit upang mapaginhawa ng pagbabara ng ilong na dulot ng sipon, alerdyi at hay fever. Ito din ay ginagamit upang pansamantalang mapaginhawa ang pagbabarang sinus at presyur nito. Ang Pseudoenphedrine ay magpapaginhawa ng mga sintomas ngunit hindi nito mapapagaling ang sanhi ng mga sintomas o mapabilis ang paggaling. Ang Pseudoephedrine ay nabibilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na nasal decongestants. Ito ay nagdudulot ng pagpapanipis ng mga daluyan ng dugo sa daanan ng paghinga o nasal passages. Ang Pseudoephedrine ay isang regular na tableta na mayroong 12 oras na pinahabang paglalabas ng paggamot, 24 na oras na pinahabang paglalabas ng gamot, at isang solusyon na kikido na iniinom. Ang regular na mga tableta at likido ay karaniwang iniinom kada 4 hanggang 6 oras. Ang 12-oras na pinahabang paglalabas ng gamot ay karaniwang iniinom kada 12 oras at hindi dapat uminom ng higit pa sa dalawang dosis sa loob ng 24 oras. Ang 24-oras na pinahabang-paglalabas ng gamot na mga tableta ay karaniwang iniinom ng isang beses sa isang araw at hindi dapat uminom ng mahigit pa sa isang dosis sa loob ng 24 oras. Upang makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa pagtulog, inumin ang huling dosis nakatakda sa araw na iyon ng mga ilang oras bago matulog. ...


Side Effect:

Ang sobrang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang ngunit agad humanap ng atensyong medikal kung ito ay mararanasan. ANg sintomas ng sersyosong reaksyong alerdyi ay ang mga sumusunod: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa pagtulog. Itigil ang paggagamot at agad ipaalam sa iyong doktor kung ang anuman sa mga sumusunod na madalang ngunit seryosong mga epekto ay maranasan: mabilis/hindi regular/kumakabog na tibok ng puso, pagbabago ng pagiisip at saloobin (tulad ng pagkabalisa, pagkalito, pagkahapo), panginginig, hirap sa pag-ihi. Itigil ang paggamit ng gamot at agad ipaalam sa iyong doktor kung iaw ay mayroong pagkahilo, pagkakaroon ng kaba, hirap sa pagtulog. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay hindi pinapayo na gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso ng walang pagsangguni sa doktor. Pagiingat ay ipinapayo kung ikaw ay mayroong diyabetis, pagkalulong sa alak, sakit sa atay, phenylketonuria (PKU), o anumang kondisyon na nangangailangan ng pagbibigay ng hanggahan o pag-iwas sa mga nasabing mga bagay sa iyong diyeta. Kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na suliraning pangkalusugan, sumangguni sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng produktong ito; diyabetis, kondisyon sa mata (glaucoma), problema sa puso (tulad ng atake sa puso, pananakit ng dibdib, pagbigay ng puso), mabilis/hindi regular na tibok ng puso, mataas na presyon ng dugo, sakit sa bato, sobrang aktibong teroydeyo (hyperthyroidism), hirap sa pag-ihi (tulad ng dala ng lumalaking prosteyt). ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».