Pyrazinamide - oral
Sanofi-Aventis | Pyrazinamide - oral (Medication)
Desc:
Ang Pyrazinamide ay isang antibayotiko. Ang tamang pamamaraan ng paggamit ng pyrazinamide ay hindi pa nalalaman. Ang Pyrazinamide ay ginagamit upang bigyan lunas ang tuberculosis (TB). Gamitin ang gamot na ito sa pamamagitan ng paginom ng mayroon o walang laman ang tiyan, kadalasan ay isa o dalawang beses sa isang linggo o ayon sa direksyon ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong edad, timbang, kondisyong medikal, at pagtugon sa gamutan. Ang mga antibayotiko ay nagiging mabisa kapag ang dami ng gamot sa iyong katawan ay napapanatili sa tamang antas. Kung kaya't dapat na gamitin ang gamot na ito sa pantay na mga pagitan. ...
Side Effect:
May mga epekto na maaaring maranasan matapos gamitin ang gamot na ito tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng gana, katamtamang pananakit ng kalamnan o kasukasuan. Kung ang mga nasabing mga epekto ay manatili o maging malubha, agad ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko. Ang gamot na ito ay walang malubhang mga epekto. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na mga seryosong mga epekto ay maranasan: sintomas ng sakit sa atay (tulad ng paulit-ulit na pagduduwal/pagsusuka, kakaibang pagkapagod/panghihina, matinding pananakit ng tiyan o sikmura, paninilaw ng mata o balat, madilim na kulay ng ihi), masakit/namamagang mga kasukasuan. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ang mga sumusunod na madalang ngunit seryosong mga epekto ay mararanasan: pagbabago sa dami ng ihi, madaling pagdurugo/pagsusugat, mabilis na tibok ng puso. Madalang na magkaroon ng seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito. ...
Precaution:
Bago gumamit ng pyrazinamide, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay mayroong anumang uri ng alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring naglalaman ng mga sangkap na maaaring maging sanhi ng mga reaksyong alerdyi o iba pang suliranin. Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ay iyong kasaysayang medikal lalo na kung mayroon o nagkaroon ng: sakit sa atay, sakit sa bato, diyabetis, gout, mataas na antas ng uric acid sa dugo, paginom ng alak. Bago sumailalim sa isang operasyon, ipaalam sa iyong doktor o dentista ukol sa mga produktong ginagamit (kasama na ang mga nirereseta o hindi nireresetang mga gamot at mga produktong erbal). Ang alak ay maaaring magpataas ng panganib ng sakit sa atay. Iwasan ang paginom ng alak habang naggagamot. Ang Pyrazinamide ay maaaring maging sanhi ng di pagkakaroon ng bisa ng mga bakuna na tinatawag na live bacterial (kagaya ng bakuna sa typhoid). Huwag magpapa bakuna habang naggagamot nito nang walang pahintulot ng iyong doktor. . Ang gamot na ito ay hindi pinapayo na gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso ng walang pagsangguni sa doktor. ...