Pyridostigmine - oral

Unknown / Multiple | Pyridostigmine - oral (Medication)

Desc:

Ginagamit ang Pyridostigmine upang mapabuti ang lakas ng kalamnan sa mga pasyente na nakakaranas ng isang natatanging sakit sa kalamnan na kung tawagin ay myasthenia gravis. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil sa pagkasira ng acetylcholine, isang likas na sangkap, sa iyong katawan. Ang Pyridostigmine ay may pormang regular na tableta, extended-release na tableta, o kaya ay syrup na pwedeng inumin. Karaniwan itong ini-inom ng isang beses, dalawang beses, o maraming beses sa isang araw, depende sa uri ng tableta. ...


Side Effect:

Kung iinumin sa maliliit na dosage, walang karaniwang side-effect ang naiulat para sa Pyridostigmine. Humingi kaagad ng atensyong medikal kung ang alinman sa mga malubhang epekto na ito ay naranasan kapag gumagamit ng Pyridostigmine: malubhang allergic reaction (pantal; pangangati; hirap sa paghinga; paninikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila); pagtatae; pagkahimatay; paglalaway; pagpapawis; kahinaan ng kalamnan; pagduduwal; pagliit ng pupils; cramping sa tiyan; problema sa paghinga; pagbabago ng paningin; pagsusuka; kahinaan. ...


Precaution:

Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap, na maaaring maging sanhi ng allerfic reaction o iba pang mga problema. Bago gamitin ang gamot na ito, kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon ka ng mga sumusunod: pagbabara sa tiyan/bituka, hirap sa pag-ihi. Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong kasaysayang medikal, lalo na ang mga sumusunod: sakit sa baga (halimbawa: hika, chronic obstructive pulmonary disease-COPD), sakit sa bato, mabagal/hindi regular na tibok ng puso. Bago sumailalim sa operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista kung umiinom ka ng gamot na ito. Ang likidong bersyon ng produktong ito ay naglalaman ng asukal at/o alkohol kaya kinakailangang mag-ingat kung mayroon kang diabetes, pagkalulong sa alkohol, o sakit sa atay. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».