Pyridoxine - oral
Xanodyne Pharmaceuticals | Pyridoxine - oral (Medication)
Desc:
Ang Pyridoxine ay isang compound na grupo ng bitamina B, na tinatawag na bitamina B6. Ang Pyridoxine ay ginagamit para maiwasan o sa maggamot ang mababang lebel ng bitamina B6 sa mga taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina mula sa kanilang dyeta o dahil sa mga kondisyon tulad ng alkoholismo, sakit sa atay, sobrang aktibo na teroydeo, heart failure o mga gamot. Ginagamit din ang Pyridoxine para maiwasan o maggamot ang isang tiyak na sakit sa nerve na tinatawag na peripheral neuropathy na dulot ng ilang mga gamot, at upang maggamot ang ilang mga namamanang karamdaman. ...
Side Effect:
Kadalasan, kapag ginagamit sa normal na dosis, ang Pyridoxine ay ligtas para sa karamihan na mga tao at hindi nagiging sanhi ng matinding masamang reaksyon. Ngunit kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod na bihiran, pero seryosong epekto ay humingi kaagad ng pangangalagang medikal: sakit ng ulo, pagduduwal, pagkaantok, pagmamanhid o pagngangalay ng mga braso o binti. Bihira ang isang reaksyon sa alerdyi, ngunit kung ang alinman sa mga sintomas na ito ay nararanasan humingi agad ng pangangalagang medikal: pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang ibang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang mga karamdaman. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...