Raltegravir
Zentiva | Raltegravir (Medication)
Desc:
Ang Raltegravir ay ginagamit panggagamot ng HIV. Ito ay ginagamit kasama ng ibang gamot sa HIV. Ang Raltegravir ay isang HIV-1 integrase trand transfer inhibitor. Pinipigilan neto ang HIV-1 integrase, isang enzyme na kailang ng HIV virus upang dumami. ...
Side Effect:
Ang pinakamadalas na epekto ng Raltegravir ay abnormal na panaginip, insomia (hirap sa pagtulog), pagkahilo, sakit ng ulo, vertigo, abdominal distension (pakiramdam ng pamamaga sa tiyan), pagtatae, kabag, pagduduwal, pagsusuka, pagkairita ng balat, asthenia (panghihina), pagkapagod, atypical lymphocytes (abnormalidad ng mga white blood cell) at pagtaas ng blood levels ng liver enzymes (alanine aminotransferase at aspartate aminotransferase) at triglycerides (isang uri ng fat). ...
Precaution:
Ang Isentress ay hindi ginagamit ng mga taong hypersensitive (allergic) sa Raltegravir o iba pang sangkap. Tulad ng ibang pasyenteng anti-HIV na delikado sa osteonecrosis (pagkasira ng buto) o sa immune reactivation syndrome (sintomas ng impeksyon na dulot ng pagaling na immune system). Paalala at pagiingat na dapat na alam bago gamitin ang Raltegravir: ang Raltegravir ay hindi dapat ang inyong tanging gamot sa HIV; ito ay dapat na iniinom kasama ang ibang gamot sa HIV, sa unang beses na paggamit ng Raltegravir, ang inyong immune system na maguumpisang gumaling, na maaring magdulot na ito ay magreact sa mga impeksyon na nasa inyong katawan (dati, masyadong mahina ang inyong immune system para magrespond sa mga inpeksyon). Maari mong makita na mayroon kang mga impeksyon na di mo alam na mayroon ka pala, Raltegravir ay hindi gamot sa HIV o AIDS. Kung ikaw ay may HIV o AIDS, dapat na ikaw ay mag ingat sa pakikipagtalik, di alintana kung ikaw ay umiinom ng gamot o hindi. Tulad ng lahat ng gamot sa HIV, mahalaga na sundin ang inireseta sayo na pag inom ng Raltegravir. Ang di pagsunod ay maaring magdulot na maging resistant sa gamot sa HIV ang virus. Ang mga chewable tablets ng Raltegravir (ngunit hindi ang mga regular na tablet) ay naglalaman ng phenylalanine, na mahalagang malaman ng mga taon mayroong phenylketonuria, na dapat limitahan ang kanilang phenylalanine intake. ...