Ramipril

Boehringer Ingelheim | Ramipril (Medication)

Desc:

Ang Rampiril ay nas klase ng gamot na tinatawag na angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors na binabawasan ang ibang kemikal na nagpapahigpit ng mga blood vessel, nang ang dugo ay nakakadaloy ng mas maigi. Ang gamot na ito ay ginagamit ng mag isa o kasama ng ibang gamot para sa altapresyon, na nagdudulot ng mas mababang posibilidad ng atake sa puso at stroke.

...


Side Effect:

Kasama ng mga epekto na sinadya para sa Rampiril, ito ay maari din magdulot ng malalang epekto, tulad ng: allergic reaction - pagkairita ng balat, pangangati, hirap sa paghinga, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pantal; pag gaspang ng balat, paninilaw ng balat o mata, sinat, sore throat, pag ginaw, at ibang sintomas ng impeksyon, pagkahilo, o pagkahimatay. Ngunit mas madalas mangyari ang mga hindi gaanong malalang sintomas na ito: sakit ng ulo, pagkahilo, pag ubo, sakit ng tiyan, pagsusuka, lubhang pagkapagod, o panghihina. Kung ang mga sintomas na ito ay lumalala, tawagan agad ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam muna sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong allergy. Sabihin din sa iyong doktor kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa puso, atay, o bato;lupus; scleroderma; diabetes; o isang kondisyon na nagdudulot ng hirap sa paghinga o paglunok at pamamaga ng mukha, lalamunan, dila, labi, mata, kammay, paa, bukung-bukong o binti. Dahil ang Rampiril ay maaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, wag magmaneho at mag opera ng mabibigat na makinarya hanggat ikaw ay nakakasiguro na kaya mo itong gawin ng ligtas. Limitahan din ang pag inom ng alak. Habang nasa kalagitnaan ng pagbubuntis at breastfeeding, hindi nirerekomenda na gamitin ang gamot na ito ng walang payo mula sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».