Rebetron

Schering-Plough | Rebetron (Medication)

Desc:

Ginagamit ang Rebetron o interferon alfa-2b at ribavirin para sa impeksyon sa viral. Ang Interferon alfa-2b at ribavirin ay magkasama bilang isang kapsula at iniksyon upang bigyan ng lunas ang malubhang hepatitis C. Dapat na magkasamang gamitin ang mga gamot na ito. Ang Interferon alfa-2b at ribavirin ay maaari ding gamitin para sa ibang mga intension. ...


Side Effect:

Agad na tawagan ang iyong doktor at ihinto ang paggamit ng gamot na ito kung mayroon kang mga seryosong epekto na ito: maputla o dilaw na balat, maitim o madilaw na kulay ng ihi; lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, madaling magkapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihina; pagkalito, depresyon at pagkabalisa, agrgression, pag-iisip na saktan ang iyong sarili o ang iba; problema sa paningin; mataas na lagnat na may matinding sakit sa tiyan at madugong pagtatae. ubo, pananaksak sa dibdib, hinahabol na paghinga, irregular na tibok ng puso; matinding sakit sa bandang itaas ng tiyan na kumakalat sa iyong likod, pagduwal at pagsusuka, mabilis na tibok ng puso; o lumalalang soryasis o iba pang autoimmune disorder. Hindi gaanong malalang mga epekto ay ang mga: pagkahilo, pagod na pakiramdam, sakit ng ulo, sakit ng kasukasuhan o kalamnan; hindi malubhang pagduwal, pagkawala ng gana sa pagkain, pagbawas ng timbang; mga problema sa pagtulog; mild depression, o magagalitin; o sakit, pamumula, pamamaga, o pangangati kung saan ang gamot ay na-injected. ...


Precaution:

Kung ikaw ay alerdye sa interferon alfa-2b o ribavirin ay hindi mo dapat gamitin ang gamot na ito o kung mayroon kang autoimmune hepatitis, malubhang sakit sa atay o bato, o isang hemoglobin blood cell disorder tulad ng sickle-cell anemia o thalassemia. Gumamit ng hindi bababa sa 2 mabisang birth control habang ang asawa o partner ay gumagamit ng interferon alfa-2b at ribavirin. Patuloy na gumamit ng 2 anyo ng birth control nang hindi bababa sa 6 na buwan pagkatapos matapos ang gamutan. Ipaalam sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng iyong kondisyong medical bago gamitin ang gamot na interferon Rebetron, lalo na ang sakit sa bato, mga problema sa atay maliban sa hepatitis, sakit sa puso o mataas na presyon ng dugo, isang sakit sa thyroid, mga problema sa mata, HIV o AIDS, isang karamdaman sa blodd cells, isang autoimmune disorder tulad ng lupus o soryasis, o isang kasaysayan ng atake sa puso, stroke, organ transplant, deprsyon, problema sa pag-iisip, pagkalulong sa droga o alkohol, o pag-iisip ng pagpapakamatay. Iwasang gamiting ang gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».