Reclast
Novartis | Reclast (Medication)
Desc:
Isang pangkat ng mga gamot ang reclast o zoledronic acid na tinatawag na bisphosphonates at tumutulong sa pamamagitan ng pagpigil ng paglabas ng calcium mula sa mga buto. Ginagamit ang gamot na ito sa paggamot ng osteoporosis sa mga kalalakihan at mga kababaihang postmenopausal pati na rin ang Paget’s disease. Maaari din itong gamitin upang bigyan ng lunas ang isang bone marrow cancer na kilala bilang myeloma o cancer sa buto na kumalat mula sa ibang parte ng katawan. Ang reclast ay ibinibigay ng isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan sa isang ospital bilang isang iniksyon sa ugat sa loob ng hindi kukulangin bg 15 minuto,. Nakabatay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot ang ibibgay dosis. ...
Side Effect:
Mga karaniwang epekto ng gamot na reclast ay maaaring magdulot ng: ubo; kawalan ng gana sa pagkain, pagduwal, pagsusuka; pagtatae, matigas na dumi; sakit ng ulo, pagod na pakiramdam; hindi gaanong masakit na kasukasuan o sakit ng kalamnan; o pamumula o pamamaga kung saan itnusok ang karayom. Kung ang mga ito ay tumagal o lumala, agad na tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubhang epekto ay kinabibilangan ng: isang alerdyi tulad ng pantal-pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; mas kaunting ihi kaysa sa dati; muscle spasms, manhid o hindi magandang pakiramdam lalo na sa iyong bibig; lagnat, panginginig, sakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; maputlang balat, madaling magkapasa, hindi pangkaraniwang kahinaan; matinding sakit sa kasu-kasuan, buto, o kalamnan; o wheezing, masikip na dibdib, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay alerdye dito, sa iba pang mga gamot, o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi bago gamitin ang gamot na ito. Kapag gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon sabihin sa iyong doctor tulad ng: isang thyroid o parathyroid disorder; malabsorption syndrome; isang karanasan ng pagtanggal ng parti ng iyong bituka; kanser sa buto; o sakit sa bato. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...