Reminyl

Janssen Pharmaceutica | Reminyl (Medication)

Desc:

Ginagamit ang Reminyl o galantamine upang gamutin ang mild hanggang hindi gaanong malubha ng pagkalito o tinatawag na demensya na nauugnay sa sakit na Alzheimer. Hindi ito panglunas sa sakit na Alzheimer, ngunit nakatutulong itong mapabuti ang memorya, kamalayan, at ang kakayahang magsagawa ng pang-araw-araw gawain. Tumutulong ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpapabalik ng balanse ng ilang mga natural na substance sa utak. Inumin ang gamot na ito na mayroong laman ang tiyan, karaniwang dalawang beses sa isang araw, umaga at gabi, o tulad ng payo ng iyong doktor. Uminom ng maraming tubig kapag iniinum ang gamot na ito maliban kung itinuro kung hindi ito itnuro ng iyong doctor. ...


Side Effect:

Posibleng mangyari ang pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkahilo, pagkawala ng gana sa pagkain, at pagbawas ng timbang. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko kapag ang mga epektong ito ay tumagal o lumala at kung alinman sa mga hindi malaman ngunit malubhang epekto ay naransan tulad ng: pagkahimatay, hindi normal na pagbagal na tibok ng puso, hirap sa pag-ihi. Agad na ipaalam din sa iyong doktor kapag ang mga bihirang ngunit seryosong epekto ay naranasan tulad ng: seizures, itim o madugong dumi, pagsusuka ng may dugo o tulad ng dinurog na kape, matinding sakit sa tiyan o sikmura. Bihira lang ang ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito, ngunit humingi ng agarang medikal na atensiyon kung nangyari ito. Ang mga simtomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi ay ang: pantal-pantal, kati-kati o pamamaga lalo na sa mukha, dila, lalamunan, matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng galantamine, kung ikaw ay alerdye dito o sa mga halaman na daffodil o kapag mayroong iba pang mga alerdyi. Maaaring maging sanhi ng mga reaksiyong alerdyi o iba pang mga problema ang produktong ito at maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap. Hindi dapat gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang ilang mga kondisyong medikal. Kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang: matinding sakit sa atay, matinding sakit sa bato. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na sa: mga problema sa atay, mga problema sa bato, mga problema sa tiyan o bituka tulad halimbawa ng mga ulserat bleeding, mga problema sa puso, mga problema sa paghinga o sa baga, seizures, mga problema sa pag-ihi.

Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagpkahilo. Umiwas sa pagmamaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang masiguro mong ligtas mong maisasagawa ang mga gawain. Limitahan ang mga inuming nakalalasing. Sabihin sa iyong doktor o dentista na kumukuha ka ng gamot na ito bago mag-opera. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».