Remodulin

Orphan Pharmaceutical | Remodulin (Medication)

Desc:

Ginagamit ang remodulin o treprostinil upang gamutin ang isang uri ng mataas na presyon ng dugo sa baga o pulmonary arterial hypertension. Ito ay nakakatulong upang mabigyang lunas ang mga sintomas tulad ng hirap sa paghinga at pagkapagod. Tumutulong ito sa pamamagitan ng pagpapahinga at pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo tulad ng mga ugat sa baga at iba pang mga bahagi ng katawan upang ang dugo ay mas madaling dumaloy. Kabilang ang gamot na ito sa isang klase ng mga gamot na kilala bilang vasodilators. ...


Side Effect:

Posibleng maranasan ang pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, sakit ng ulo, pagkahilo, sakit ng panga, pamumula, pamamaga at pamumula sa lugar ng pinag-iniksyon. Agad na sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko kung ang alinman sa mga epektong ito ay tumagal o lumala. Ipaalam din agad sa iyong doktor kapag ang seryosong epekto ay naranasan tulad ng: bago o lumalalang pamamaga ng mga braso o binti, pagbabago ng kaisipan o emosyon tulad halimbawa ng hindi mapakali at nerbiyos. Sundin ang mga tagubilin ng iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa wastong paggamit ng gamot na ito upang maiwasan ang impeksyon. Sabihin agad sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng anumang mga senyales ng impeksyon katulad ng lagnat at panginginig. Bihira lamang ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi, kasama ang: pantal, pangangati o pamamaga lalo na sa mukha, dila, lalamunan, matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang treprostinil, kung ikaw ay alerdye dito o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi. Maaaring maglaman ang produktong ito ng mga hindi aktibong sangkap, na maaaring maging sanhi ng mga reaksiyong alerdyi o iba pang mga problema. Abisuhan sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang gamot na ito tungkol sa mga nakalipas na sakit, lalo na sa: problema sa atay, problema sa bato, problema sa pagdurugo. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo. Iwasang magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang masiguro mong ligtas mong maisasagawa ang mga naturang aktibidad. Bawasan ang mga inuming nakalalasing. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».