Rescula
Novartis | Rescula (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Rescula o unoprostone isopropyl upang mabigyan ng lunas ang mataas na presyon sa loob ng mga mata (open-angle glaucoma) sa mga pasyenteng na hindi gumagamit, o hindi nagrerespond nang maayos sa iba pang mga gamot na kontra-glaucoma. Upang makakuha ng maganadang resulta, ito ay dapat na gamitin nang regular, karaniwang isang patak lang para sa apektadong mata dalawang beses araw-araw, o base sa payo ng iyong doktor. Patuloy lang na gamitin ang gamot na ito ayon sa ibinigay na oras at panahon. ...
Side Effect:
Sa panahon ng emergency himingi ng tulong medikal kapag mayroon kang mga palatandaan ng isang alerdyi: mga pantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan. Agad na tawagan ang iyong doctor at Itigil ang paggamit ng unoprostone ophthalmic kung nagkaroon ka ng mga seryosong epekto tulad ng mga ito: pamumula, pamamaga, pangangati, o sakit sa paligid ng iyong mata; may tumutulo o lumalabas mula sa iyong mata; naging sensitibo sa ilaw; o pagbabago sa paningin. Mga epektong hindi masyadong malubha ay mga: sipon o trangkaso tulad ng lagnat, panginginig, pag-ilong ng ilong, pananakit ng lalamunan, ubo, pagtatae, at pananakit ng katawan; sakit ng ulo, pagkahilo; kunting sakit sa mata; malabong paningin; pakiramdam na may bagay sa iyong mata; panunuyo o matubig na mga mata; o pakiramdam na parang nasusunog ang mga mata pagkatapos maglagay ng isang patak. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor ang iyong mga dating medical na kondisyon, katulad ng mga: alerdyi, iba pang problema sa mata (halimbawa angle closure, inflammatory or neovascular glaucoma), impeksiyon sa mata, eye injury or surgeries, paggamit ng contact lens, impeksyon sa mata, pinsala o opasyon sa mata. Hindi ipinapayong gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...