Retapamulin
GlaxoSmithKline | Retapamulin (Medication)
Desc:
Isang antibiotic ang Retapamulin na nakikipaglaban sa bakterya sa balat. Ang retapamulin ay kalimitang ginagamit upang gamutin ang isang impeksyon na kilala na impetigo. Nakakaapekto ang impetigo kadalasan sa ilong, labi, o iba pang parte ng mukha, at posibleng rin itong makaapekto sa iba pang parte ng katawan. ...
Side Effect:
Sa panahon ng emergency humingi ng tulong sa iyong doktor kung nakararanas ka ng mga sintomas ng isang alerdyi: mga pantal; hirap huminga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Agad na tawagan ang iyong doctor at Itigil ang paggamit ng retapamulin kung nakaranas ka ng matinding pagkasunog, pangangati, pamumula, pamamaga, pamumula, o iba pang pangangati sa balat kung saan inaplay ang gamot. Mayroon ding hindi malubhang mga epekto katulad ng: hindi malubhang pangangati ng balat; pagduwal, pagtatae; sakit ng ulo; o baradong ilong at namamagang lalamunan. ...
Precaution:
Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay alerdye sa anumang gamot bago gamitin ang retapamulin. Hindi ipinapayong gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Iwasang gamitin ang retapamulin upang gamutin ang anumang problema sa balat na hindi pa nasusuri ng iyong doktor. Iwasang ibahagi ang gamot na ito sa ibang tao, kahit na mayroon silang parehong sintomas na iyong nararanasan. Mabilis makahawa at madaling kumalat ang Impetigo sa bawat tao. Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat na makita ng isang doktor kung sila ba ay nagsisimula ng makaranas ng mga palatandaan ng impetigo. ...