Retin A

Janssen Pharmaceutica | Retin A (Medication)

Desc:

Ginagamit ang Retin A o tretinoin upang gamutin ang tigyawat. Posibleng bawasan ng gamut na ito ang dami at kalubhaan ng mga tigyawat at magbigay ng agarang paggaling ng mga tigyawat na lumalabas. ...


Side Effect:

Karaniwang epekto ng Retin-A kapag gumagamit nito ay: pamumula, pagbabalat, o mainit na pakiramdam; pagiging sensitibo sa sikat ng araw; pangangati ng balat; stinging at application site. Kung nakaranas ng matinding epekto kapag gumagamit ng Retin-A agad na humanap ng tulong medikal: malubhang alerdyi tulad ng pantal-pantal; pangangati; hirap sa paghinga; paninikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila; matinding pamumula, pamamanas, pamamaga, o pabitak-bitak ng balat. ...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doctor kung ikaw ay alerdye dito bago gamitin ang Retin A o kung mayroon ka ng iba pang mga alerdyi. Ang produktong ito ay posibleng mayroong mga hindi aktibong sangkap, na maaaring magdulot ng mga alerdyi o iba pang mga problema. Para sa iba pang detalye kausapin ang iyong parmasyutiko o doctor. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong mga sakit bago gamitin ang gamot na ito lalo na kung may eczema. Posibleng gawin kang mas sensitibo sa araw. Huwag magtagal sa ilalim ng araw, mga tanning booth, at sunlamp. Maaari ring makairita sa balat ang masamang panahon tulad ng hangin o lamig. Gumamit ng sunscreen araw-araw, at kapag nasa labas ay magsuot ng damit na proteksiyon. Hintayin hanggang ang iyong balat ay ganap na bumalik mula sa sunburn bago gamitin ang tretinoin. Habang ang gamut na ito ay ginagamit iwasan ang electrolysis, waxing at mga kemikal na depilatories para sa pangtanggal ng mga buhok sa parte ng ginamot. Hindi inirerekumendang gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».