Ricotuss
RICO PHARMACAL | Ricotuss (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Ricotuss o carbetapentane at chlorpheniramine upang bigyan ng lunas ang mga sintomas na dulot ng pangkaraniwang sipon, trangkaso, alerdyi, mataas na lagnat, o iba pang mga sakit sa paghinga (halimbawa ay sinusitis at brongkitis). ...
Side Effect:
Ang isang napaka-seryosong reaksyon sa gamot na ito ay hindi pa tiyak, ngunit agad na humingi ng tulong medical kung naranasan ang mga ito: pantal, pangangati o pamamaga (lalo na sa mukha, dila, lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. Kung mayroong seryosong epektong naranasan agad na sabihin sa iyong doktor: mga pagbabago sa kaisipan o kalooban (halimbawa pagkalito o guni-guni), mayroong tunog sa tainga, panginginig, problema sa pag-ihi, panghihina ng katawan. ...
Precaution:
Kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng gamot na ito kung nakakaranas ka ng phenylketonuria (PKU) o iba pang mga kundisyon na kinakilangan limitahan ang iyong paggamit ng aspartame (o phenylalanine). Maaring magdulot ang gamut na ito ng pagkahilo o pag-aantok o maging sanhi ng malabong paningin. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto o malinaw na paningin hanggang sa sigurado ka na maaari mong maisagawa ang mga nasabing aktibidad nang ligtas. Ipaalam sa iyong doctor o parmasyotiko bago gamitin ang gamot na ito kung nakaranas ka ng mga sumusunod: mga problema sa paghinga (halimbawa hika, empysema), diabetes, problema sa mata (glaucoma), mga problema sa puso, mataas na presyon ng dugo, problema sa bato, sakit sa atay, seizures, problema sa tiyan o bituka, atbp. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...