Asacol
Altana Pharma | Asacol (Medication)
Desc:
Ang Asacol/mesalamine, ay nakakaapekto sa mga substansya ng katawan na nagsasanhi ng implamasyon, pinsala sa tisyu, at pagtatae. Ang medikasyong ito ay ginagamit upang gamutin ang ulseratibong kolaitis. Kahit na hindi nito ginagamot ito, ito ay maaaring magbawas ng mga sintomas tulad ng sakit ng tiyan, pagtatae, at pagdurugo ng pwet na sanhi ng iritasyon/pamamaga sa kolon/pwet. Ang medikasyong ito ay iniinom gamit ang bibig, ng eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor, Ang dosis ay nakadepende sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag taasan ang iyong dosis o dalasan ng walang abiso ng doktor. ...
Side Effect:
Kasama ng mga kinakailangang epekto, katulad ng kahit anong gamot, ang mga epekto ay pwedeng mangyari. Ang pinakakaraniwan ay may kasamang: mga sintomas ng parang sa trangkaso, pagsusuka, pagduduwal, pagkahilo, panghihina, sakit ng ulo, konstipasyon, sakit ng tiyan/likod, pagtatae, o gas. Kung ang mga ito ay tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang ibang higit na seryosong epekto ay: matinding reaksyong alerydi – pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan; ihing madilim ang kulay, tumatagal na pagduduwal o pagsusuka, matinding sakit ng tiyan, paninilaw ng mga mata at balat, mga senyales ng inpeksyong tulad ng lagnat na may kasamang tumatagal na pamamaga ng lalamunan, madaling pagpapasa o pagdurugo, sakit ng dibdib, pagkakapos ng hininga, pagbabago sa dami ng ihi. Kung alinman sa mga ito ang mangyari, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa mesalamine, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: mga problema sa bato, mga problema sa atay, hika, pyloric stenosis, pankreataitis, o perikardaitis. Dahil ang Asacol ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...