Riluzole oral tablets
Sigma Pharmaceuticals | Riluzole oral tablets (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Riluzole upang mapabagal ang pag-usad ng amyotrophic lateral sclerosis (ALS o Lou Gehrig's disease). Maaari ring antalahin ng gamot ang pangangailangan para sa isang tracheostomy (respiratory tube) ngunit hindi ito isang gamot para sa ALS. Kung minsan ang gamot na ito ay inireseta para sa iba pang mga paggamit; tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon. Pinapabagal ng Riluzole ang pag-unlad ng ALS ngunit hindi ito nakagagamot. Magpatuloy na uminum ng riluzole kahit na gumaganda na ang lagay. Huwag ihinto ang pag-inom ng riluzole nang hindi kinakausap ang iyong doktor. ...
Side Effect:
Sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko ang mga posibleng maranasan tulad ng pagkahilo, pagkalipong ng ulo, pag-aantok, pagkapagod, pagduwal, pagsusuka, pagtatae, pagkawala ng gana sa pagkain, pananakit ng tiyan, o pamamanhid sa bibig. Walang malubhang epekto ang maraming mga taong gumagamit ng gamot na ito. Agad na sabihin sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihirang ngunit malubhang epekto ay nararanasan tulad ng: mga palatandaan ng impeksyon kabilang ang lagnat, panginginig, ubo, paulit-ulit na namamagang lalamunan. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung ang alinman sa mga bihirang ngunit napaka-seryosong palatandaan ng mga problema sa atay ay nagaganap: ang nanilaw na mga mata o balat, paulit-ulit na pagduwal o pagsusuka, matinding sakit sa tiyan o sikmura, maitim na ihi. Bihira lang ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito. Ang anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi, kabilang ang: pantal, pangangati o pamamaga lalo na sa mukha, dila, lalamunan, matinding pagkahilo, paghinga ay humingi ng agarang medikal na atensyon kung napansin mo ang mga nabanggit. ...
Precaution:
Sabihin sa iyong doctor bago kumuha ng riluzole kung ikaw ay alerdye sa riluzole o anumang iba pang mga gamot, anong mga inireseta at hindi iniresetang gamot ang iyong iniinum, lalo na ang amitriptyline, mga produktong naglalaman ng caffeine, ciprofloxacin, ofloxacin, omeprazole, rifampin, theophylline at mga bitamina. Sabihin sa iyong doktor kung mayroon ka o mayroon kang mga karamdaman sa dugo o anemia o sakit sa bato o atay, kung ikaw ay buntis, plano mong mabuntis, o nagpapasuso. Kung nabuntis ka habang kumukuha ng riluzole, tawagan ang iyong doktor, kung ikaw ay nag-opera, kabilang ang pag-opera sa ngipin, sabihin sa doktor o dentista na kumukuha ka ng riluzole. Maaaring makapag-antok ang gamot na ito. Iwasang magmaneho ng kotse o magpatakbo ng makinarya hanggang malaman mo kung paano epekto ng gamot na ito. Tandaan na maaaring makadagdag sa antok na sanhi ng gamot na ito ang alkohol. ...