Ascorbate calcium - oral

Unknown / Multiple | Ascorbate calcium - oral (Medication)

Desc:

Ang Ascorbate calcium ay isang porma ng bitaminang C na ginagamit upang pigilan o gamutin ang mga mababang lebel ng bitaming C sa mga taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina mula sa kanilang mga diyeta. Ang produktong ito ay mayroon ding lamang kaltsyum. Maraming taong kumakain ng normal na diyeta ang hindi nangangailangan ng karagdagang bitaminang C. Ang mga mababang lebel ng bitaminang C ay pwedeng magresulta sa kondisyong tinatawag na scurvy. Ang scurvy ay maaaring magsanhi ng mga sintomas tulad ng pamamantal, panghihina ng kalamnan, sakit ng kasu-kasuan, pagkapagod, o pagkawala ng ngipin. Ang bitaming C ay mayroong mahalagang gampanin sa katawan. Ito ay kinakailangan upang panatilihin ang kalusugan ng balat, kartilago, ngipin, buto, at mga ugat. Ito rin ay ginagamit upang protektahan ang iyong mga selula ng katawan mula sa pinsala. Ito ay kilala bilang antioxidant. ...


Side Effect:

Ang mga epekto mula sa paggamit ng gamot na ito ay maaaring may kasamang: pagtatae, konstipasyon, pagduduwal, pagsusuka, sakit/pulikat ng tiyan, o pangangasim ay maaaring mangyari. Maraming taong gumagamit ng produktong ito ang walang seryosong mga epekto. Ipaalam sa iyong doktor kaagad kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epektong ito ang mangyari: masakit na pag-ihi, mala-rosas/madugong ihi. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi ng gamot na ito ay madalang. Ngunit humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang ascorbate calcium, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay hindi hiyang dito; o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang mga hindi aktibong sangkap, na pwedeng magsanhi ng mga reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Bago gamitin ang produktong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: sakit sa bato (tulad ng mga bato sa bato), ilang kakulangan (kakulangan ng G6PD), mataas na mga lebel ng kaltsyum (hayperkalsemya). Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».