Roflumilast

Forest Laboratories | Roflumilast (Medication)

Desc:

Isang klase ng mga gamot ang Roflumilast na tinatawag na phosphodiesterase inhibitors at tumutulong sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbawas ng pamamaga sa baga. Ginagamit ang gamot na ito para bigyan ng lunas ang mga kondisyon sa baga tulad ng hika, at chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ang Roflumilast ay ibinibigay o rnirereseta lamang na gamot at maaaring inumin ng may lamina mg tiyan o walang, isang beses sa isang araw kalimitan, o tulad ng payo ng iyong doktor. Nakabatay sa iyong kondisyong medikal ang dosis at response sa gamutan. Iwasang taasan ang dosis ng walng gabay ng iyong doctor. ...


Side Effect:

Ang Roflumilast ay maaaring magdulot ng matinding epekto tulad ng: mga alerdyi kabilang ang pantal-pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga butlig; pagbabago sa mental or mood tulad ng nerbiyos, depresyon, o pag-iisip ng pagpapakamatay, problema sa pagtulog, nanginginig (tremors), mabilis o hindi regular na tibok ng puso. Agad na humingi ng tulong medikal kung naobserbahan mo ang alinman sa mga ito. Ang mga hindi gaanong seryosong mga epekto karaniwan ay kinabibilangan ng: pagtatae, pagbaba ng timbang, sakit sa tiyan o sikmura, pagduwal, pagkawala ng gana sa pagkain, sakit ng ulo, o pagkahilo. Agad na tawagan ang iyong doktor kapag ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala. ...


Precaution:

Abisuhan ang iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi bago gamitin ang gamot na ito. Ipaalam din sa iyong doktor kung gumagamit ka pa ng iba pang mga ang gamot at kapag mayroon ka ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay, cancer, sakit sa puso tulad ng heart failure, mga impeksyon tulad ng tuberculosis, o herpes, mental o mood disorder tulad ng depression, o mga spag-iisip ng pagpapakamatay, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, mga karamdaman sa immune system tulad ng lupus, o HIV. Posibleng magbigay sanhi ang Roflumilast ng pagkahilo kung kayat iwasang magmaneho at gumamit ng mabibigat na makina hanggang matiyak mo na maayos mong magagawa ang gawaing ito. Limitahan din ang nakakalasing na inumin. Hindi inirerekumendang gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».