Romidepsin Injection
Celgene | Romidepsin Injection (Medication)
Desc:
Ang Romidepsin injection ay ginagamit upang gamutin ang cutaneus T-cell lymphoma (CTCL); isang pangkat ng mga kanser ng immune system na unang lilitaw bilang mga pantal o butlig sa balat) sa mga taong napagamot na may hindi bababa sa isa pang gamot na ibinigay sa pamamagitan ng bibig o ng iniksyon. Nasa isang klase ng mga gamot ang Romidepsin injection na tinatawag na histone deacetylase (HDAC) inhibitors. ...
Side Effect:
Maaaring magdulot ng masamang mga epekto ang Romidepsin injection. Kung ang alinman sa mga sintomas na ito ay malubha o hindi nawala ay sabihin sa iyong doctor tulad ng: pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, paninigas ng dumi, nagbago ng panlasa, pangangati. Maaaring maging seryoso ang ilang mga epekto. Tawagan kaagad ang iyong doktor kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito: pagkapagod o panghihina, maputlang balat,maigsing paghinga, sakit sa dibdib, hindi regular na tibok ng puso, madaling magkapasa o pagdurugo, lagnat, ubo, mga sintomas na tulad ng trangkaso, pananakit ng kalamnan, mahapadi kapag umiihi, lumalalang mga problema sa balat, at iba pang mga palatandaan ng impeksyon, pantal, pamumula o pagbabalat-balat. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Ipagbigay-alam sa iyong tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan bago gamitin ang gamot na ito, tungkol sa iyong kasaysayan ng medikal, lalo na sa: sakit sa atay tulad ng hepatitis B, sakit sa puso tulad ng sakit sa dibdib, atake sa puso. Maaaring maging sanhi ng pagkapagod ang gamot na ito. Iwasang magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang masiguro mong ligtas mong maisasagawa ang mga naturang aktibidad. Umiwas sa mga inuming nakalalasing. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doctor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...