Asenapine

Schering-Plough | Asenapine (Medication)

Desc:

Ang Asenapine ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na atypical antipsychotics. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagbabago sa mga gawain ng ilang natural na mga substansya sa utak. Ang Asenapine ay ginagamit sa akyut na paggagamot sa mga adultong mayroong iskisoprenya at akyut na paggagamot ng manik o halong mga episodyong kaugnay ng karamdamang baypolar I na mayroon o walang sikotikong katangian sa mga adulto. Ang Asenapine ay ginagamit ng mag-isa o sa kombinasyong kasama ng ibang mga medikasyon upang gamutin o pigilan ang mga episodyo ng manya (ulol, abnormal na pagkasiglang kalooban) o halong manya (ulol, abnormal na pagkasiglang kalooban at ibang mga abnormal na kalooban) sa mga toang mayroong karamdamang baypolar I (manik na depresib na karamdaman; sakit na nagsasanhi ng mga episodyo ng manya, mga episodyo ng depresyon at ibang mga abnormal na kalooban). Ang Asenapine ay mayroong sublingual na tableta upang matunaw sa dila. Ito ay kadalasang iniinom ng dalawang beses sa isang araw. Ang Asenapine ay dapat na inumin sa magkaparehong oras araw-araw. ...


Side Effect:

Ihinto ang paggamit ng Asenapine at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga seryosong epektong ito: sobrang tigas (tibay) na mga kalamnan, mataas na lagnat, pamamawis, pagkalito, mabilis o hindi pantay na mga tibok ng puso, pakiramdam na parang mahihimatay ka; pagkibit o hindi kontroladong paggalaw ng iyong mga mata, labi, dila, mukha, mga braso, o binti; pangangatog (hindi kontroladong pag-uga); hirap sa paglunok; biglang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang bahagi ng iyong katawan; bigla at matinding sakit ng ulo, o mga problema sa paningin, pananalita, o balanse; madaling pagpapasa o pagdurugo, lagnat, ginaw, sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; mga puting pitsa o sugat sa loob ng iyong bibig o sa labi; sumpong (kombulsyon); o hindi pangkaraniwang pag-iisip o gawi, mga halusinasyon, o pag-iisip ng pananakit ng iyong sarili. Ang mga hindi masyadong epekto ay maaaring may kasamang: pagkahilo, pagkaantok; pakiramdam na walang kapahingahan; pamamanhid o tusok-tusok sa loob o palibot ng iyong bibig; konstipasyon; tuyong bibig; mga problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); pag-iiba ng tiyan; o pagdagdag ng timbang. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. ...


Precaution:

Bago gamitin ang medikasyong ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Ang Asenapine ay hindi para sa mga sikotikong kondisyong kaugnay sa demensya. Ang Asenapine ay maaaring magsanhi ng pagpapalya ng puso, bigla ng pagkamatay, o pulmonya sa mga nakatatandang adultong mayroong kondisyong kaugnay ng demensya. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga ibang kondisyong: sakit sa atay; sakit sa puso, altapresyon, mga problema sa ritmo ng puso; kasaysayan ng atake sa puso o atakeng serebral; kasaysayan ng kanser sa suso; mga sumpong o epilepsi; dyabetis (ang Asenapine ay pwedeng magpataas sa asukal at dugo); hirap sa paglunok; Parkinson’s disease; kasaysayan ng mababang bilang ng puting selula ng dugo (WBC); o pangsarili o pampamilyang kasaysayan ng sindrom na Long QT. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».