Rowasa
Solvay | Rowasa (Medication)
Desc:
Ang tungkulin ng Rowasa o mesalamine sa loob ng bituka ay sa pamamagitan ng pagtulong upang bawasan ang pamamaga at ng iba pang mga sintomas sa bituka. Ang gamot na ito ay ginagamit upang maibsan ang mga senyales tulad ng pamamaga, pinsala sa tisyu, at pagtatae na sanhi ng ulcerative colitis, proctitis, at proctosigmoiditis. Isang inireresetang gamot ang Rowasa at dapat lamang gamitin sa puwit nang diretso isang beses sa isang araw sa bago matulog o tulad ng payo ng iyong doktor. Sundin nang wasto ang sinasabi sa tatak para sa tamang paggamit. Para sa pinakamagandang resulta, magdumi muna o tumae upang malinis ang bituka bago lamang gamitin ang rectal enema o supositoryo. ...
Side Effect:
Maaaring maging sanhi kadalasan ng Rowasa ay ang: mild na pagduwal, pagsusuka, sakit sa tiyan, pagtatae, kabag; lagnat, namamagang lalamunan, o iba pang mga sintomas ng trangkaso; sakit sa tumbong o puwet, paninigas ng dumi; sakit ng ulo o pagkahilo; pagod na pakiramdam; o pantal-pantal sa balat. Tawagan ang iyong doktor kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala. Ang mas malubhang reaksyon ng gamot na ito ay kinabibilangan ng: isang allergy tulad ng pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga butlig; sakit sa tiyan, lagnat, sakit ng ulo, at madugong pagtatae-tae. Humingi kaagad ng tulong medikal kung napansin mo ang mga senyales na ito. ...
Precaution:
Kung ikaw ay alerdye sa gamot na ito at sa iba pang mga gamot, o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi ay agad na ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot. Abisuhan ang iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang mga gamot at kapag mayroon ka ng mga sumusunod na kondisyon: hika, mga problema sa bato, mga problema sa pancreas tulad ng pancreatitis, pamamaga ng bulsa (sac) sa paligid ng puso na tinatawag na pericarditis. Huwag uminum ng gamot na mesalamine rectal. Ito ay ginagamit lamang para sa iyong tumbong o puwet. Iwasan din ang paglapat sa mga mata at ilong. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang gabay ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...