Rufinamide
Eisai | Rufinamide (Medication)
Desc:
Isang anticonvulsant na gamot ang Rufinamide at ang epekto nito ay sa pamamagitan ng pagbaba ng hindi normal sa utak. Ginagamit ang gamot na ito kasama ng iba pang mga gamot upang makontrol ang mga seizure sa mga taong may Lennox-Gastaut syndrome, isang malubhang klase ng epilepsy na nagdudulot din ng mga problema sa paglaki ng bata at pag-uugali. Kinokontrol lamang ng Rufinamide ang kundisyong ito, hindi ito nakagagamot. Ang Rufinamide ay isang reseta lamang na gamot at dapat inumin, mayroon o walanglaman ang tiyan, karaniwang dalawang beses sa isang araw, o tulad ng payo ng iyong doktor. Nakabatay ang dosis sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dami ng dosis o dalas nang walang gabay ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang Rufinamide kadalasan, ay posibleng magdulot ng: pagkahilo, pagkahilo, pagod na pakiramdam; pagkawala ng balanse o koordinasyon; pagsusuka; nadagdagan o nabawasan ang gana sa pagkain; baradong ilong, namamagang lalamunan; sakit ng ulo; o malabo ang paningin. Tawagan ang iyong doktor kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala. Ang mas malubhang epekto ng gamot na ito ay kinabibilangan ng: isang reaksiyo ng alerdyi tulad ng pantal-pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; lagnat na may pantal sa balat; problema sa paglalakad; pagkawala ng balanse o koordinasyon; namamaga na mga glandula, maputlang balat, madaling magkapasa o pagdurugo; pagduwal, sakit sa iyong pang-itaas na tiyan, paninilaw ng balat o mga mata; pamamanhid, sakit, kahinaan ng kalamnan; sakit sa likod sa bandang ibaba, madugong ihi, hindi na masyadong umiihi kaysa sa dati; o lumalala ang mga seizure. Humingi kaagad ng tulong medical kung napansin mo ang alinman sa mga ito. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Kung gumagamit ka ng iba pang gamot sabihin sa iyong doktor at kung mayroon ka o mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kundisyon: short QT syndrome, sakit sa atay; sakit sa bato; o sumasailim sa dialysis. Maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok ang Rufinamide kaya iwasang magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang masiguro mong ligtas mong maisasagawa ang aktibidad na ito. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doctor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Ang pagiging epektibo ng iyong mga pildoras ng birth control ay maaaring bawasan ng Rufinamide, samakatuwid gumamit ng iba pang hakbang sa pag-iingat. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung nabuntis ka habang ginagamit ito. ...