Ashwagandha

Unknown / Multiple | Ashwagandha (Medication)

Desc:

Ang withania somnifera, kilala rin bilang Ashwagandha, Indian ginseng, poison gooseberry, o winter cherry ay isang halaman sa pamilya ang Solanaceae o nightshade. Ang ugat at beri ay ginagamit upang gawing gamot. Ang Ashwagandha ay ginagamit para sa rayuma, pagkabalisa, hirap sa pagtulog (hindi pagkakatulog), mga tumor, tuberkulosis, hika, isang kondisyon sa balat na mayroong mga puting pitsa (leukoderma), brongkitis, sakit ng likod, pibromyalhiya, mga problema sa regla, sinok, at kronik na sakit sa atay. ang Ashwagandhaay ginagamit rin bilang “adaptogen” upang tulungan ang katawang makaya ang pang-araw-araw na istres, at bilang pangkalahatang toniko. Ang ilang mga tao ay ginagamit rin ang Ashwagandha para sa pagpapabuti ng abilidad na mag-isip, pagpapababa ng sakit at pamamaga (implamasyon), at pagpigil ng mga epekto ng pagtandsa. Ito rin ay ginagamit para sa mga problema ng pag-aanak sa mga lalaki at babae at para rin sa pagpapataas ng kagustuhang pansekswal. Ang Ashwagandha ay inilalagay sa balat para sa paggagamot ng sugat, sakit ng likdo, at pagkaparalisa sa isang bahagi ng katawan (hemiplehiya). ...


Side Effect:

Ang ilang mga epekto ay may kasamang: pagkaantok, pagbaba ng asukal sa dugo, pagpapabagal sa sentral na sistemang nerbos, pagpapataas ng temperatura ng katawan, sakit ng katawan, pagtatae, palalain ang mga sintomas para sa mga taong mayroong kondisyong ng sobrang aktibong teroydeo. Ang isang epekto ng Ashwagandha ay ang erb na ito ay sumasalungat sa mga epekto ng medikasyon. Kaya naman, talagang inirirekomendang iwasan ang paggamit ng Ashwagandha bilang kasabay ng mga terapiyang immunosuppressant tulad ng prednisone, corticosteroids, prednisone at azathioprine. ...


Precaution:

Ang Ashwagandha ay hindi dapat na gamitin kung ikaw ay buntis. Mayroong ilang ebidensya na ang Ashwagandha ay maaaring magsanhi ng pagkakunan. Hindi sapat ang nalalaman tungkol sa paggamit ng Ashwagandha habang nagpapasuso. Ang Ashwagandha ay pwedeng magpairita sa gastrointestinal na trak. Huwag gagamit ang Ashwagandha kung ikaw ay may ulser sa tiyan. Ang mga “autoimmune disease” tulad ng multiple sclerosis (MS), lupus (systemic lupus erythematosus, SLE), rheumatoid arthritis (RA), o ibang mga kondisyon: ang Ashwagandha ay maaaring gawing mas aktibo ang sistemang kaligtasan sa sakit, at maaari nitong padamihin ang mga sintomas ng autoimmune na sakit. Kung ikaw ay mayroong isa sa mga kondisyon ito, pinakamabuti kung ihihnto mo ang paggamit ng Ashwagandha. Ang Ashwagandha ay maaaring magpabagal sa sentral na sistemang nerbos. Ang mga tagapagbigay ng alagang pangkalusugan ay nag-aalala na ang anestesya at ibang mga medikasyon habang at pagkatapos ng operasyon ay maaaring magpadami ng ganitong epekto. Ihinto ang paggamit ng Ashwagandha ng 2 linggo man lamang bago ang naiskedyul na operasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».