Aspirin
Bayer HealthCare | Aspirin (Medication)
Desc:
Ang Aspirin ay ginagamit upang pababain ang lagnat at paginhawahin ang malumanay hanggang katamtamang sakit mula sa mga kondisyon tulad ng sakit ng kalamnan, sakit ng ngipin, pangkaraniwang sipon, at mga sakit ng ulo. Ito rin ay maaaring magbawas ng sakit at pamamaga sa mga kondisyong tulad ng rayuma. Ang aspirin ay kilala bilang salicylate at nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). Kung ikaw ay gumagamit ng medikasyong ito para sa pansariling paggagamot, sundin ang lahat ng direksyon sa pabalat ng produkto. ...
Side Effect:
Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epektong mga ito ang mangyari: madaling pagpapasa/pagdurugo, hirap makarinig, pagtunog sa tainga, pagbabago sa dami ng ihi, tumatagal o matinding pagduduwal/pagsusuka, hindi maipaliwanag ng pagkapagod, pagkahilo, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong karamdamang sa pagdurugo/pamumuo ng dugo (tulad ng hemopilya, kakulangan sa bitaminang K, mababang bilang ng pleytlet). Ang mga bata at kabataan ay hindi dapat uminom ng aspirin kung sila ay mayroong bulutong, trangkaso, o hindi natukoy na sakit o kung ikaw ay kamakailan lamang na tumanggap ng bakuna. Sa mga kasong ito, ang paggamit ng aspirin ay nagpapataas sa panganib ng sindrom ni Reye, isang madalang ngunit seryosong sakit. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay may makitang pagbabagso sa gawi na may kasamang pagduduwal at pagsusuka. Ito ay maaaring unang mga senyales ng sindrom ni Reye. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...