Selenium sulfide - topical


Isotec Pharmaceeuticals | Selenium sulfide - topical (Medication)


Desc:

Ang Selenium sulfide ay isang gamot na antifungal na gumagana sa pamamagitan ng paghahadlang sa paglaki ng fungus sa iyong balat. Ang gamot na ito’y ginagamit para guminhawa ang pangangati, pag-tutuklap, iritasyon at pamumula ng anit na sanhi ng balakubak at isang tiyak na impeksyon sa anit na kilala bilang seborrheic dermatitis. Ang selenium sulfide ay maaari ding gamitin para gamutin ang tinea versicolor, fungus na nagpapaiba ng kulay ng balat. ...

Side Effect:

Kadalasan, ang Selenium sulfide- topical ay mahusay na disimulado at ligtas para sa karamihan ng mga tao at hindi ito nagiging dahilan ng malubhang reaksyon. Kadalasan, maaari itong maging sanhi ng: pangangati ng balat, panunuyo ng balat, mamantika o tuyong buhok o anit, o pansamantalang paglalagas ng buhok. Kung ang alinman sa mga ito’y nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Bihira laman ang isang alerdyi, ngunit agad na humingi ng pangangalagang medikal sakaling mapansin mo ang alinman sa mga sumusunod na sintomas: pagpapantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, matinding pagkahilo, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga namumulang mga pantal na magkakadikit. ...

Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito nararapat na ipaalam sa iyong doktor kung ika’y mayroong anumang uri ng mga alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor kung ika’y gumagamit ng iba pang gamot at kung ika’y mayroong anumang karamdaman, lalo na ang mga kondisyon ng balat tulad ng namumula, nangangati, o basag basag na balat. Ang selenium sulfide ay hindi dapat gamitin sa mga batang wala pang 2 taong gulang. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...