Serevent
GlaxoSmithKline | Serevent (Medication)
Desc:
Ang Serevent/salmeterol ay ginagamit dalawang beses lamang sa araw-araw (umaga at gabi) para sa pagpapanatili ng paggamot ng hika at sa pag-iwas sa spasm ng mga daanan ng hangin (bronchospasm) sa mga pasyenteng nasa 12 taong gulang lamang at pataas. ...
Side Effect:
Ang isang reaksiyong alerdyi sa gamot na ito’y malamang na hindi mangayri, pero humingi ng agarang medikal na atensiyon kung sakali na ito’y mangyari. Kasama sa mga sintomas ng isang reaksyon sa alerdyi ang: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, mga problema sa paghinga. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ang alinman sa mga bihirang ngunit napakalubhang mga epekto ay nangyari: sakit sa dibdib, mabilis/ mabagal/hindi regular na tibok ng puso, matinding pagkahilo, nahimatay, mga seizure. ...
Precaution:
Bago gamitin ang salmeterol, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ika’y mayroong alinman sa mga sumusunod na kondisyon: ilang mga problema sa puso (pagkabigo sa puso, mabagal na tibok ng puso, pagpapahaba ng QT sa EKG), kasaysayan ng pamilya ng ilang mga problema sa puso (pagpapahaba ng QT sa EKG, biglaang pagkamatay ng puso). Bago gamitin ang gamot na ito nararapat na ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na sa: mga problema sa puso (hal. , angina, hindi regular na tibok ng puso), altapresyon, diabetes, mga problema sa atay, mga seizure, mga problema sa teroydeo (hal. , sobrang aktibong teroydeo). Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...