Sevelamer - oral
Fresenius Medical Care | Sevelamer - oral (Medication)
Desc:
Ang Sevelamer ay isang phosphate binding na gumagana sa pamamagitan ng pag-iiwas sa hypocalcemia na dala ng mataas na posporus. Ang gamot na ito’y ginagamit para maiwasan at magamot ang mga mayroong mga mataas ana antas ng pospeyt sa dugo na sa mga pasyente na nagd-dialysis dahil sa malubhang mga karamdaman sa bato. ...
Side Effect:
Ang mga pinka-karaniwang epekto ng Sevelamer ay: sakit ng ulo, pagtatae, pagbabagabag ng tiyan, pagduwal, pagsusuka, ubo, pagutot, o paninigas ng dumi. Ang mas malulubhang mga masamang reaksyon ay kinabibilangan ng: isang alerdyi - pamamantal, pangangati, nahihirapang huminga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal na pulang magkakadikit; mga problema sa iyong dialysis access site, matinding pagkadumi o kawalan ng kakayahang magkaroon ng paggalaw sa bituka, sakit sa tiyan o abs o pamamaga, problema sa paghinga, pananakit ng dibdib, pagkirot, pamumula, o pamamaga sa ibabang parte ng binti. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang kasayasayan o mayroon ka ngayon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: problema sa paglunok tulad ng dysphagia; matinding pagdudumi; isang digestive disorder ng iyong tiyan o bituka; o kung kamakailan lamang ay ika’y nagkaroon ng operasyon sa tiyan o bituka. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. Dahil ang Sevelamer ay maaaring gapusin ang iba pang mga gamot at gawin itong hindi gaanong mabisa, huwag dapat kumuha ng kahit ano pang mga gamot sa loob ng 1 oras bago o 3 oras pagkatapos mong uminom ng Sevelamer. ...