Atarax

Pfizer | Atarax (Medication)

Desc:

Ang Atarax/hydrozine ay pangkalaharang ginagamit bilang antihistamine upang gamutin ang mga kati-kati at iritasyon. Ito ay pwedeng gamitin para sa mga kondisyong alerdyik. Ang mga antihistamine ay gumagawa sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga epekto ng histamine, isang kemikal sa katawan na naghahapit sa mga daanan ng hangin sa baga at nagsasanhing implamasyon sa buong katawan. Ang mga antihistamine ay pwedeng magbawas sa mga pangangati at pamamaa at pagtuyo ng mga sekresyon mula sa ilong, mata, at lalamunan. Ang Atarax ay malawakan ring ginagamit para sa paggagamot ng pagkabalisa at ibang mga karamdaman sa kalooban tulad ng demensya. Ito ay pwedeng ipreskriba kapag mayroong pangkalahatang pagkabalisang karamdaman. Ang Atarax ay pwedeng gamitin bilang porma ng pampakalmang non-barbiturate para sa mga pre-operatibong sedasyon at paggagamot ng mga neurolohikal na karamdaman, gayun ring sa ibang estado ng pagkabalisa. Kadalasang tinutukoy ng mga manggagamot at pasyente ang Atarax sa madaming depressant para sa hindi pagkakatulog at pang-araw na pagkabalisa dahil ito ay mas ligtas, nililinis ang sistema ng mas mabilis kaysa sa ibang antidepressant at hindi nagriresulta ng pisikal na pagkadepende. ...


Side Effect:

Ang Atarax ay maaari ring magsanhi ng pagkalito, pagkakaba, iritabilidad, malabong paningin, dobleng paningin, pangangatog, kawalan ng ganang kumain, o pagduduwal. Ang Atarax ay pwedeng karaniwang gamitin magsanhi ng sedasyon, pagkapagod, pagkaantok, pagkahilo, nagambalang koordinasyon, panunuyo at pagkapal ng bibig at ibang mga pangrespiratoryong sekresyon, at sakit ng tiyan. Ang Atarax ay dapat na gamitin ng maingat sa mga taong may narrow-angle na glawkoma, prostatikong haypertropiya (lumaking glandula ng prosteyt), haypertayroydismo, kardyobaskular na sakit, altapresyon, at hika. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Atarax, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya o kung iakw ay mayroong karamdamang sumpong, sakit sa atay, o sakit sa bato. Ang medikasyong ito ay maaaring magpahina sa iyong pag-iisip o mga reaksyon. Mag-ingat kung ikaw ay magmamaneho o gagawa ng kahit anong kailangang alerto ka. Ang pag-inom ng alak ay pwedeng magparami ng ilang mga epekto ng Atarax/hydrazine. Habang buntis o nagpapasuso, huwag gamitin ang gamot na ito. Konsultahin ang iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».