Sodium Oxybate
Cephalon | Sodium Oxybate (Medication)
Desc:
Ang Sodium Oxybate ay kabilang sa isang pangkat ng mga gamot na kilala bilang mga d central nervous system depressants. Ang gamot na ito’y ginagamit para maiwasan ang mga pag-atake ng cataplexy (mga yugto ng kahinaan ng kalamnan na biglaang nagsisimula at tumatagal ng maikling panahon lamang) at mabawasan ang pagkaantok sa araw sa mga pasyente na mayroong narcolepsy. Ang sodium Oxybate ay de-reseta lamang na gamot at dapat na inumin gamit ang bibig, ang madalas na dosis ay dalawang dosis sa oras ng pagtulog. Ang dosis na ito ay nakabatay sa iyong medikal na kondisyong at tugon sa paggamot. Hindi dapat dagdagan ang dosis o ang dalas ng paginom ng gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Tulad ng iba pang mga gamot, posibleng magkaroon ng mga epekto. Ang pinkakaraniwang Sodium Oxybate ay puwedeng maging sanhi ng: pag-ihi sa kama habang natutulog, sakit ng ulo, pagkahilo, pagpapabagabag ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, heartburn, sakit sa tiyan, sakit sa likod, pakiramdam na nanghihina, nahihirapan na makatulog o manatiling tulog, pagpapawis, mga sintomas ng trangkaso, pag-ring sa tainga, mga problema may paningin, masakit o hindi regular na panahon ng panregla o abnormal na pagkasensitibo sa paghawak o tunog. Kung ang alinman sa mga ito’y nagpatuloy pa o kung sakali na ito’y lumala, nararapat na tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubhang mga masamang reaksyon ay ang sumusunod: isang reaksiyong alerdyi - pamamantal, pangangati, nahihirapang huminga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pagkakaroon ng hives; guni-guni o matinding pagkakalito; mababaw na paghinga; naglalakad habang tulog; o nakakagising at naguguluhang pag-uugali sa gabi. Kung sakali na napansin mo ang alinman sa mga sintomas na ito nararapat na humingi kaagad ng medikal na tulong. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, nararapat nasabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakali na ikaw ay alerdyi dito; o sa iba pang mga alerdyi. Nararapat na sabihin sa iyong doktor kung sakali na gumagamit ka ng iba pang mga gamot at kung sakali na mayroon ka o mayroon kang kasaysayan ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon: kakulangan ng succinic semialdehyde dehydrogenase, pagkabigo sa puso, altapresyon, o sakit sa atay o bato. Dahil ang Sodium Oxybate ay puwedeng maging dahilan ng pagkahilo at pag-aantok Hindi dapat magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang sa kaya mo siguraduhing ligtas mong maisasagawa ang mga naturang aktibidad. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...