Sodium thiosulfate - injection

Watson Pharmaceuticals | Sodium thiosulfate - injection (Medication)

Desc:

Ang sodium thiosulfate ay isang antidote para sa pagkalason ng cyanide. Ang pagkalason ng cyanide ay posibleng mabilis na nakamamatay. Kung ang hydrogen cyanide gas ay kung sakaling ito ay nalanghap o nasobrahan ng dosis ng cyanide ay kinuha, ang pagkakalason nito ay nangyayari sa loob lamang ng ilang mga segundo, at ang pagkamatay ay nangyayari sa loob ng ilang minuto. Ang potensyal na nakamamatay na dosis ng potassium o sodium cyanide ay 200 hanggang 300 mg at ng hydrocyanic acid ay 50 mg. Sa mas maliliit na dosis, ang pagkalason ay nangyayari lamang sa loob ng iilang minuto, at posibleng isama ang mga sumusunod na sintomas: paghihigpit ng lalamunan, pagduduwal, pagsusuka, pagkalito, pananakit ng ulo, pag-papalpitate, hyperpnoea, pagkatapos ay dyspnoea, bradycardia (na posibleng maunahan ng tachycardia), pagkawalan ng malay, marahas na panginginig kasunod ang kamatayan. Ang sodium thiosulfate ay madalas na ginagamit kasabay ng sodium nitrite sa paggamot ng pagkalason ng cyanide. ...


Side Effect:

Ang sodium thiosulfate ay mayroong mababang epekto ng pagkalason, at ang mga di kanais-nais na reaksyon sa mga inirekumendang dosis ay posibleng malumanay lamang. Kasama sa mga epekto ang sumsunod: (1) Cardiovascular system: hypotension o pagbaba ng presyon ng dugo. Sistemang central nervous: pananakit ng ulo, pakiramdam na ika’y nawawala, pag-uugali ng may sakit sa utak, kabilang ang pagkabalisa, mga mamaling akala at guni-guni ay posibelng magresulta mula sa sobrnag produksyon ng thiocyanate; (2) Gastrointestinal system: pagdudumi (karaniwang mula sa oral dosis), mga osmotic na kaguluhan. Ang pagduduwal at pagsusuka ay maaaring magresulta sa sobrang paggawa ng thiocyanate; (3) Genitourinary system: posible ang diuretic effects; (4) Musculoskeletal system: ang arthralgia, hyperreflexia at pamumulikat ng kalamnan ay posibleng magresulta mula sa sobrang na produksyon ng thiocyanate; (5) Ocular system: ang malabong paningin ay posibleng magresulta mula sa sobrang produksyong thiocyanate; (6) Ototoxicity: ang ingay sa tainga ay posibleng mangyari mula sa sobrang produksyon ng thiocyanate. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, nararapat nasabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakali na ikaw ay alerdyi dito; o may alerdyi ka sa ibang gamot o kung mayroon kang anumang alerdyi. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».