Atenolol
Unknown / Multiple | Atenolol (Medication)
Desc:
Ang Atenolol ay isang beta-adrenergic blocking agent na naghaharang sa mga epekto ng mga adrenerdyik na gamot, halimbawa, adrenaline o epinephrine, o sa mga nerb ng simpatetikong sistemang nerbos. Ang isa sa mga importanteng paggawa ng beta-adrenerdyik na istimulasyon ay upang pasiglahin ang puso upang tumibok ng mas mabilis. Sa pamamagitan ng pagharang sa istimulasyon ng mga nerb, ang Atenolol ay nagbabawas ng bilis ng tibok ng puso at kapaki-pakinabang sa paggagamot ng abnormal na mabilis na ritmo ng puso. Ang Atenolol ay nagbabawas rin sa pwesa ng kontraksyon ng kalamnan ng puso at nagpapababa ng presyon ng dugo. Hindi katulad ng propranolol, ang Atenolol ay hindi dumadaan sa dugo-utak na harang kaya naman naiiwasan ang ang maraming epekto sa sentral na sistemang nerbos. ...
Side Effect:
Maraming epekto ang Atenolol na kailangan mong iulat agad sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan. Ang mga epektong ito ay may kasamang hindi maipaliwanag na pamamaga o biglang pagdagdag ng timbang; sakit ng dibdib; pagkahilo, o pagkahimatay; malamig, tusok-tusok o pamamanhid ng kamay o paa; paglala ng hika; paglala ng pagpapalya ng puso; pagkalito; aritmiya. Ang mga senyaes ng reaksyong alerdyi, kasama ng hindi maipaliwanag na pamamanta, pangangati, hindi maipaliwanag ng pamamaga, pagsingasing, o hirap sa paghinga o paglunok ay maaari ring mangyari. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Atenolol, sabihn sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hind hiyang dito; o kung ikaw ay may ibang kahit anong alerhiya. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: ilang mga uri ng problema sa ritmo ng puso (tulad ng mabagal na tibok ng puso, ikalawa o ikatlong deger ng antriovetricular block), mga problema sa paghinga (tulad ng hika, kronik na brongkitis, empaysema), mga problema sa sirkulasyon ng dugo (tulad ng sakit na Raynaud, peripheral na baskular na sakit), sakit sa bato, seryosong reaskyong alerdyi kasama iyong mga nangangailangang gamuti ng epinephrine, mga karamdaman sa pag-iisip/kalooban (tulad ng depresyon), ilang sakit sa kalamnan (myastheniya gravis). Kung ikaw ay mayroong dyabetis, ang produktong ito ay maaaring pigilan ang mabilis/kumakabog na tiibok ng puso na kadalasang iyong nararamdaman kung ang iyong lebel ng asukal sa dugo ay bumagsak ng sobrang baba (haypoglaysemya). Habang buntis, ang medikasyong ito ay dapat lamang gamitin kung malinaw na kinakailangan. Maaaring makasama ito sa sanggol sa sinapupunan. Talakayin ang mga panganib at benepisyo kasama ng iyong doktor. Ang medikasyong ito ay naipapasa sa gatas ng ina at maaaring magkaroon ng hindi kaaya-ayang epekto sa dumidedeng sanggol. Konsultahin ang iyong doktor bago magpasuso. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama ang mga may resetang gamot, walang reseta gamot at produktong erbal). ...