Sotalol - oral

Unknown / Multiple | Sotalol - oral (Medication)

Desc:

Ang Sotalol ay ginagamit para kontrolin ang mabilis na tibok ng puso at mga abnormal na ritmo sa puso. Ang gamot na ito’y isang beta-blocker. Ito’y gumagana sa paraang ng pag-apekto sa tugon sa mga nerve impulses sa ilang mga bahagi ng katawan, tulad ng puso. Bilang resulta nito, ang puso’y mas mabagal na tumibok at ito’y tumitibok sa isang regular na ritmo. ...


Side Effect:

Ang kadalasang mga epekto ay: pagkapagod, mabagal na tibok ng puso, at pagkahilo ay posibleng mangyari. Ang hindi masyadong karaniwang mga epekto na kasama ang pananakit ng ulo, pagtatae, at pagbawas ng kakayahang sekswal. Karamihang mga gumagamit ng gamot na ito’y walang malubhang epekto. Nararapat na sabihin agad sa iyong doktor kung sakali na ang alinman sa mga hindi malamang na mangyari pero malubhang epekto na naganap: bago o mga lumalalang mga sintomas ng pagkabigo sa puso (tulad ng pamamaga ng mga bukung-bukong/paa, matinding pagod, paghinga, hindi maipaliwanag/biglaang pagtaas ng timbang). Nararapat na humingi ng agarang atensyong medikal kung sakali na ang anuman sa mga malabong manhyari ngunit malubhang epekto ay nangyari: matinding pagkahilo, nahimatay, biglaang pagbabago sa tibok ng puso (hindi pangkaraniwang mas mabilis/mas mabagal/mas iregular), sakit sa dibdib/panga/kaliwang braso. Ang isang napaka-lubhang mga reaksyong alerdyi sa gamot na ito’y bihira. Gayunpaman, nararapat na humingi ng agarang medikal na atensyon kung sakali na napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang mlubhang reaksiyong alerdyi, kabilang dito ang sumusnod: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, nahihirapang huminga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, nararapat na ika’y kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang mga sumusnod na karamdaman: ilang mga problema sa ritmo ng puso (tulad ng isang mabagal na tibok ng puso, pangalawa o pangatlong degree na atrioventricular block maliban na lamang kung mayroon kang isang pacemaker sa puso), matinding pagkabigo sa puso, mga problema sa paghinga (tulad ng hika, talamak na brongkitis, empysema). Bago mo gamitin ang gamot na ito, nararapat na sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na sa mga kondisyong: mga problema sa bato, ginagamot na pirming pagkabigo sa puso, inatake sa puso noong makailan lamang (sa loob ng 2 linggo), sobrang hindi aktibng sakit sa teroydeo (hyperthyroidism), iba pang hindi regular na mga problema sa tibok ng puso (tulad ng sakit na sinus syndrome), mga malubhang reaksiyong alerhiya na nangangailangan ng paggamot sa epinephrine. Ang Sotalol ay puwedeng magdala ng isang kundisyong makakaapekto sa ritmo ng puso (pagpapahaba ng QT sa EKG). Ang pagpapahaba ng QT ay posibleng madalas na magresulta sa malubha (bihira lamang na nakamamatay) mabilis/hindi regular na tibok ng puso at iba pang mga sintomas (tulad ng matinding pagkahilo, nahimatay) na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Ang peligro ng pagpapahaba ng QT ay posibleng madagdagan kung sakali na mayroon kang ilang mga kondisyong medikal o kumukuha ng iba pang mga gamot na puwedeng makaapekto sa ritmo ng puso (tingnan din sa seksyon na nakikipag-ugnay sa droga). Bago mo gamitin ang sotalol, nararapat na sabihin mo sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakali na mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon: ilang mga problema sa puso (pagpapahaba ng QT sa EKG, kasaysayan ng torsade de pointes), kasaysayan ng pamilya ng ilang mga problema sa puso (pagpapahaba ng QT sa EKG, biglaang puso kamatayan). Ang mababang antas ng potassium o magnesium sa iyong dugo ay posible ring mapataas ang iyong peligro na pahabain ang QT. Ang panganib na ito’y puwedeng madagdagan kung sakali na gumamit ka ng ilang mga gamot (tulad ng diuretics/water pills), kung hindi ka makakain o makainom ng mga likido tulad ng dati mong ginagawa, o kung sakali na mayroon kang mga kundisyong matindi/matagal tulad ng mga sumusunod: pagpapawis, pagdudumi, o pagsusuka. Narararapat na kausapin ang iyong doktor tungkol sa ligtas na paggamit ng sotalol. Kung sakali na mayroon kang diyabetis, posibleng maiwasan ng produktong ito ang mabilis/kabog na tibok ng puso na madalasa na mararamdaman tuwing ang antas ng asukal sa dugo ay bumaba ng masyadong mababa (hypoglycemia). Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».