Ativan
Biovail | Ativan (Medication)
Desc:
Ang Ativan/lorazepam, ay isang gamot na ginagamit para sa paggagamot ng pagkabalisa. Iniisip na ang sobrang paggawa ng mga nerb sa utak ay maaaring magsanhi ng pagkabalisa at ibang karamdamang sikolohikal. Ang Gamma-aminobutyric acid (GABA) ay isang neurotransmiter, isang kemikal na ginagamit ng nerb sa utak upang ipasa ang mga mensahe sa isa’t isa. Ang GABA ay nagbabawas sa mga gawain ng nerb sa utak. Ang Ativan/lorazepam at ibang benzodiazepines ay maaaring gumanap sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga epekto ng GABA sa utak. Dahil ang lorazepam ay tinatanggal mula sa dugo ng mas mabilis kaysa sa ibang mga benzodiazepine, mayroong maliit na tiyansang ang konsentrasyon ng lorazepam sa dugo ay aaabot sa matataas na lebel at maging nakalalason. Ang lorazepam rin ay mayroong mas kaunting interaksyon sa ibang mga medikasyon kaysa sa karamihan ng ibang benzodiazepines. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epektong kaugnay ng Ativan ay sedasyon, pagkahilo, panghihina, at buway. Ang ibang mga epekto ay may kasamang pakiramdam ng depresyon, kawalan ng oryentasyon, sakit ng ulo, at gambala sa pagtulog. Katulad ng benzodiazepines, ang Ativan/lorazepam ay pwedeng magsanhi ng pisikal na pagkadepende. Ang biglang paghinto ng terapiya matapos ang ilang mga buwang pang-araw-araw na terapiya ay maaaring kaugnay ng pakiramdam ng kawala ng pagpapahalaga sa sarili, agitasyon, at hindi pagkakatulog. Kung ang lorazepam ay patuloy ng gagamitin ng mas matagal kaysa ilang mga buwan, ang biglang paghinto ay maaaring magprodyus ng mga sumpong, pangangatog, pulikat ng kalamnan, pagsusuka, at pamamawis. ...
Precaution:
Huwag gagamitin ang Ativan kung ikaw ay hindi hiyan sa lorazepam o sa ibang mga benzodiazepine, tulad ng alprazolam (Xanax), chlordiazepoxide (Librium), clorazepate (Tranxene), diazepam (Valium), o oxazepam (Serax). Bago gamitin ang Ativan, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong problema sa paghina, glawkoma, sakit sa bato o atay, o kasaysayan ng depresyon, pag-iisip ng pagpapakamatay, o adiksyon sa droga o alak. Huwag iiinom ng alak habang gumagamit ng Ativan. Ang medikasyong ito ay pwedeng magpataas sa epekto ng alak. Iwasan ang paggamit ng ibang mga gamot na gagawin kang antukin. Ang mga ito ay pwedeng dumagdag sa pagkaantok na sanhi ng lorazepam. Ang Ativan ay maaaring makabuo ng gawi at dapat lamang gamitin ng mga taong niresetahan nito. Ang Ativan ay hindi dapat ibigay sa ibang tao, lalo sa taong may kasaysayan ng pag-abuso sa droga o adiksyon. Ang medikasyong ito ay pwedeng magsanhi ng mga depekto sa sanggol na isisilang. Huwag gagamitin ang gamot na ito kung ikaw ay buntis. ...