Atomoxetine
Eli Lilly | Atomoxetine (Medication)
Desc:
Ang Atomoxetine ay ginagamit bilang parte ng pagkabuuang programa ng paggagamot upang dagdagan ang kakayahang magbigay ng atensyon at bawasan ang pagkapabigla-bigla at sobrang pagkaaktibo sa mga bata at adultong mayroong ADHD. Ang Atomoxetine ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na selective norepinephrine reuptake inhibitors. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapataas sa mga lebel ng norepinephrine, isang natural na substansya sa utak na kinakailangan upang kontrolin ang gawi. ...
Side Effect:
Sa mga klinikal na pagsubok sa mga adulto, ang pinakakaraniwang naiulat na epekto ay bumabang ganang kumain, hirap sa pagtulog, tuyong bibig o pakiramdam na may sakit. Ang ibang mga epektong katulad sa pagsubok sa mga bata, maliban sa iniulat din ng mga adulto ang mga problemang pansekswal, tulad ng hirap magkaroon o panatilihin ang ereksyon, mga problema sa edyakulasyon o kasukdulan sa pagkikipagtalik, o mga problema sa iregular o masakit na regla. Ang ilang mga epektong pwedeng maging seryoso: mabilis o kumakabog na tibok ng puso, sakit ng dibdib, pagkakapos ng hininga, mabagal o hirap na papanalita, pagkahilo o pagkahimatay, panghihina o pamamanhid ng braso o binti, pamamaga ng mukha, lalamunan, dila, labi, mata, kamay, paa, bukong-bukong, o binti, pagkapaos, hirap lumunok o paghinga, pamamantal, mga abnormal na pag-iisip, pagkakaroon ng halusinasyon (nakakakita ng mga bagay o nakakarinig ng boses na hindi totoo), ereksyon na tumatagal sa madaming oras o lampas pa, mga sumpong. Ang Atomoxetine ay pwedeng magsanhing biglang kamatayan sa mga bata at kabataang mayroong depekto sa puso at mga seryosong problema sa puso. Ang medikasyong ito ay maaari ring magsanhi ng biglang pagkamatay, atake sa puso o atakeng serebral sa mga adulto, lalo na sa mga adultong mayroong depekto sa puso o seryosong problema sa puso. ...
Precaution:
Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin ng mga batang hindi hiyang sa isa o kahit anong sangkap nito. Sapilitang ipaalam sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ang iyong anak ay nakaranas ng gayong alerhiya kamakailan lamang. Kung palagay mong nakaranas ang iyong anak ng reaksyong alerdyi, ihinto ang paggamit ng gamot na ito at ipaalam agad sa iyong doktor o parmaseutiko. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...