Sudafed

Pfizer | Sudafed (Medication)

Desc:

Ang Sudafed ay naglalaman ng mga aktibong sangkap na pseudoephedrine kung saan ay ito ay isang decongestant na gumagana sa pamamagitan ng pagpapaliit ng mga daluyan ng dugo sa mga daanan sa ilong. Ang gamot na ito’y ginagamit para sa pansamantalang ginhawa lamang ng pagkakaroon ng baradong ilong at sakit sa sinus o sa presyon na dulot ng impeksyon gaya ng karaniwang sipon, trangkaso o iba pang mga sakit sa paghinga tulad ng hay fever, mga alerdyi, o brongkitis. Ang Sudafed ay nararapat na gamitin sa paraan ng paginom nito gamit ang bibig na mayroong kasama o walang kasamang pagkain, kadalasan ay iniinom ito kada 4-6 na oras, o tulad ng panuto ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabatay sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa paggamot. ...


Side Effect:

Ang kadalasang epekto ay puwede na maging sanhi ng Sudafed: malumanay na pagkawala ng gana na kumain; pakiramdam nasasabik o hindi mapakali; init, tingling, o pamumula sa ilalim ng iyong balat; mga problema sa pagtulog (insomnya); o pantal sa balat o pangangati. Kung sakali na ang alinman sa mga ito’y nagpatuloy man o ito ay mas lumala pa, agad ay nararapat na tawagan ang iyong doktor. Ang bihira, pero mas malubhang mga reaksyon ay kinabibilangan ang mga sumusunod: isang allergy -pamamantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pagkakaroon ng mga hives; mabilis, mabigat, o hindi pantay na pagtibok ng puso; matinding pagkahilo, pagkabalisa, pakiramdam na hindi mapakali, o nerbiyos; madaling magkaroon ng pasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang kahinaan, lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; o nadagdagan ang presyon ng dugo - matinding panananakit ng ulo, malabo ang paningin, pagkakaproblema sa pagtuon, sakit sa dibdib, pamamanhid, o pag-seizure. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, nararapat nasabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakali na ikaw ay alerdyi dito; o may alerdyi ka sa ibang gamot o kung mayroon kang anumang alerdyi. Nararapat na sabihin mo sa iyong doktor kung sakali na ika’y gumagamit ng iba pang gamot at kung sakali na mayroon ka o mayroon kang kasaysayan ng alinman sa mga sumusunod na karamdaman o kondisyon: diabetes, glaucoma, mga problema sa puso tulad ng atake sa puso, sakit sa dibdib, o pagkabigo sa puso, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, mataas presyon ng dugo, sakit sa bato, hyperthyroidism, kahirapan sa pag-ihi. Ang gamot na ito ay maaaring umepekto sa iyo ng pagkahilo o pag-aantok. Hindi dapat magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang sa kaya mo siguraduhing ligtas mong maisasagawa ang mga naturang aktibidad. Dapat ay iwasan ang pag inom ng inuming mayroong alkohol at pag-inom ng maraming inuming mayroong caffeine. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».