Atovaquone
GlaxoSmithKline | Atovaquone (Medication)
Desc:
Ang Atovaquone ay isang medikasyong nakikialam sa reproduksyon ng protozoa (isang organismong may isang selula) na nagsasanhi ng sakit sa katawan. Ang Atovaquone ay ginagamit upang gamutin o pigilan ang pulmonya na sanhi ng inpeksyong halamang-singaw na tinatawag na Pneumocystitis carinii (tinatawag ring Pneumocystis jiroveci). ...
Side Effect:
Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong sintomas na matindi o ayaw maalis: pagduduwal; pagsusuka; pagtatae; sakit ng ulo; pagkahilo; pagkabalisa; hirap makatulog o pananatiling tulog. Kung ikaw ay may maranasang kahit anong seryosong sintomas sa mga ito, tawagan agad ang iyong doktor: pamamantal; lagnat; pamamaga ng mga mata, mukha, labi, dila, bibig, o lalamunan; pamamantal; hirap sa paghinga o paglunok; pagkapaos o paninikip ng lalamunan. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamt na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Bago gamitin ang atovaquone, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong: sakit sa atay; o karamdaman sa tiyan o bituka. ...