Sulfisoxazole with phenazopyridine - oral
Unknown / Multiple | Sulfisoxazole with phenazopyridine - oral (Medication)
Desc:
Ang Sulfisoxazole na may kasamang phenazopyridine-oral ay ginagamit para gamutin ang mga impeksyon sa urinary tract (bato, pantog). Ang Sulfisoxazole ay isang klase ng sulfa na antibiotic na mabisa sa paggamot ng iba't ibang mga impeksyon. Pinapaginhawa ng Phenazopyridine ang sakit na nararamdaman mula sa mga impeksyon sa ihi. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito’y posibleng maging sanhi ng pananakit ng tiyan, pagtatae, pagduduwal, panananakit ng ulo o pagsusuka sa mga unang araw habang ang iyong katawan ay umaangkop sa gamot. Kung sakali na ang mga sintomas na ito’y mananatili pa o naging mas malala, ipaalam ito agad sa iyong doktor. Posible itong magdala ng epektong tulad ng ihi na kulay kahel-kayumanggi. Hindi ito sanhi ng pag-aalala at mawawala kung ika’t tumigil sa gamot. Bihira lamang, ang gamot na ito ay posible na magdala ng malubhang, kahit na nakamamatay, na mga epekto gaya ng isang malubhang pagbabalat na pantal sa balat na kilala bilang Stevens- Johnson syndrome, mga karamdaman sa dugo (hal. , agranulositosis, aplastic anemia), o pinsala sa atay. Nararapat na humingi ng agarang atensyong medikal kung sakali na ika’y nagkaroon ka ng alinmang mga sumusunod na mga sintomas: pamamantal sa balat o pagkakaroon ng paltos, hindi pangkaraniwang pagkapagod, paulit-ulit na namamagang lalamunan o lagnat, naninilaw na mga mata o balat, madilim na mga ihi, pananakit ng tiyan. Bihirang bihira lamang ang isang seryosong reaksiyong alerdyi sa gamot na ito, pero nararapat na humingi ng agarang medikal na atensiyon. Nararapat na sabihn kung sakali na kasama sa mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi ang: pantal, pangangati, pamamaga, matinding pagkahilo, problema sa paghinga. Kung sakali na napansin mo na ang iba pang mga epekto na hindi nakalista sa itaas, agad na sabihin ito sa iyong doktor o parmasyutiko. ...
Precaution:
Nararapat na alam ng doktor ang iyong kumpletong medikal na kasaysayan, at kabilang dito ang mga sumususunod: mga alerdyi. Ang gamot na ito’y posible nag awing mas sensitibo ka sa araw. Iwasan ang matagal na pagkakabilad sa araw; dapat ay gumamit ng sunscreen at magsuot ng damit na proteksiyon tuwing ika’y lalabas. Ang gamot na ito’y posibleng makaapekto sa mga resulta ng ibang mga diabetic urine testing products (cupric sulfate-type). Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...