Sulfonamides - oral

Menarini | Sulfonamides - oral (Medication)

Desc:

Ang Sulfonamides o mga gamot na sulfa ay kasama sa isang klase ng gamot na tinatawag na antibiotics na ginagamit para gamutin ang iba't ibang mga impeksyon sa bakterya. Ang gamot na ito’y ginagamit para gamutin lamang ang mga impeksyon na nagmula sa mga bakterya, hindi ito mabisa para sa sipon, trangkaso, o iba pang mga impeksyong virus. Ang Sulfonamide ay de-reseta lamang na gamot at ito ay dapat inumin gamit ang iyong bibig na may kasama na isang buong basong tubig, tulad ng panuto ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ng iyong iniinom ay naka-batay sa iyong kondisyong medikal at sa iyong tugon sa paggamot. Hindi dapat na dagdagan ang dosis o dalas ng paginom nang walang absio mula sa iyong doktor. ...


Side Effect:

Kabilang sa mga kinakailangang epekto ng gamot na ito, ang Sulfonamid ay posible na maging sanhi ng malubhang mga epekto gaya ng: isang reaksiyong alerdyi - pantal, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, pangangati, kahirapan sa paghinga, o pagkakaroon ng mga pantal; malubhang pamamalat ng pantal sa balat na kilala bilang Stevens- Johnson syndrome, mga karamdaman sa dugo tulad ng agranulocytosis, aplastic anemia, pinsala sa atay, madaling pagkakaroon ng mga pasa, paulit-ulit na namamagang lalamunan o lagnat, pantal sa balat o paltos, hindi pangkaraniwang pagkapagod, naninilaw na mga mata o balat, maitim na ihi, o tiyan sakit. Kung sakali na napansin mo ang alinman sa mga epekto ng gamot na ito, narararapat na humingi kaagad ng tulong na medikal. Ang kadalasan at hindi masyadong malubhang mga epekto ay kinabibilangan ang mga sumusunod: pagkabalisa sa tiyan, pagtatae, pagduwal, pagsusuka ng sakit ng ulo, o pagtaas ng pagiging sensitibo sa sikat ng araw. Kung sakali na ang alinman sa mga ito’y nagpatuloy o kung sakali na ito’y lumala, tawagan ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, nararapat nasabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung sakali na ikaw ay alerdyi dito; o may alerdyi ka sa ibang gamot o kung mayroon kang anumang alerdyi. Nararapat na sabihin mo sa iyong doktor kung sakali na ika’y gumagamit ng iba pang gamot at kung sakali na mayroon ka o mayroon kang kasaysayan ng alinman sa mga sumusunod na karamdaman o kondisyon: anemia o iba pang mga problema sa dugo, kakulangan ng glucose-6-phosphate dehydrogenase (G6PD), sakit sa bato o sakit sa atay, o porphyria. Ang Sulfonamide ay posible na ika’y maging mas sensitibo sa sikat ng araw, kaya dapat ay iwasan ang matagal na pagkakabilad sa araw, sunlamp at dapat ay magsuot ng sunscreen at proteksiyong damit tuwing ika’y nasa labas. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ng sanggol. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».