Atuss - 12 DX
Atley Pharmaceuticals | Atuss - 12 DX (Medication)
Desc:
Ang Atuss-12 DX ay isang kombinasyong medikasyon ng expectorant (guaifenesin) at pamuksa sa ubo (dextromethorphan). Ito ay gumagawa sa pamamagitang ng pagpapaluwag sa mukosa at nilalabas ng baga sa dibdib at ginagawang mas produtktibo ang ubo. Ang mga produktong para sa sipon at ubo ay hindi naipakitang ligtas o epektibo sa mga batang mas mababa sa 6 taong gulang. Kaya naman, huwag gagamitin ang gamot na ito upang gamutin ang mga sintomas ng sipon sa mga batang may edad na mas mababa sa 6 taon maliban nalang kung dinirekta ng doktor. Ang kombinasyong gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang ubong kaugnay ng karaniwang sipon, alerhiya at ibang pangrespiratoryong sakit. ...
Side Effect:
Ang sakit ng ulo, pagkahilo, pagkaantok, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal o pagsusuka ay maaaring mangyari sa mga unang araw habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa medikasyong ito. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may alerhiya sa mga gamot, pagkain, o ibang substansya. Sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong gamot na may reseta o wala, preparasyong erbal, o suplementong pangdiyeta. Ang gamot na ito ay maaaring may lamang aspartame. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyogn doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: sakit sa baga (halimbawa, hika, empaysema), altapresyon; kronik na ubo, kronik na brongkitis, o kahit anong problema sa paghinga, tulad ng hika, empaysema, o chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo at naaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Limitahan ng pag-inom ng alak. ...