Terfenadine
Williams Laboratories | Terfenadine (Medication)
Desc:
Ang Terfenadine ay isang antihistamine na nakakapagpawi ng mga sintomas ng alerdyi katulad ng pantal, makating pantal, pagluluha ng mata, baradong ilong, nangangating mata at pagbahing. Ang Terfenadine ay maaring inumin ng may laman ang sikmura o gatas para maiwasan ang pananakit ng sikmura. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo, banayad na sakit ng sikmura. Ang mga epekto nito ay dapat mabawasan habang ang iyong katawan ay nag a-adjust sa gamutan. Ipaalam sa iyong dokto kung ito ay mananatili. Bihira, ngunit ipaalam agad sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaranas ng:sakit ng sikmura, maputlang kulay ng dumi, naninilaw ang mata at balat. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa hindi malaman ngunit labis na seryosong masamang epekto ay nagaganap: pagkahilo, pagkahimatay, hindi regular na pagtibok ng puso. Ang Terfenadine ay hindi gaano nagdudulot ng pagkaantok kapag ginagamit base sa nirekomendang dosis at base sa normal na pangyayari. Subalit, siguruhin ang epekto ng droga bago makisali sa mga aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto. Kung napansin mo ang iba pang mga epekto na hindi nakalista sa itaas, makipag-ugnay sa iyong doktor o parmasyutiko. ...
Precaution:
Sabihin sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na sa:may sakit sa atay, hika o iba pang sakit sa baga, glaucoma, isang pinalaki na prosteyt glandula, sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, isang labis na aktibong thyroid gland, ulser sa tiyan, pagbara sa ihi, sakit sa bato, mga alerdyi sa sa gamot. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...