Teriparatide - injection

Unknown / Multiple | Teriparatide - injection (Medication)

Desc:

Ang Teriparatide ay ginagamit upang gamutin and pagkawala ng buto ( osteoporosis ) sa mga tao na may mataas na peligro na mabalian. Ito ay katulad ng natural na hormone sa iyong katawan ( parathyroid hormone ). Ito ay nagpaparami ng buto at lakas ng buto. Ang epekto nito ay nakakatulong na mapababa ang peligro na mabalian. Ang gamot na ito ay hindi inirerekomenda sa mga bata at kabataan na nanatili ang paglaki ng buto. ...


Side Effect:

Ang pagkahilo o mabilis na tibok ng puso ay maaring mangyari sa loob ng apat na oras pagkatapos uminom ng gamot. Ang mga sintomas ay maaring manatili sa ilang minuto o ilang oras. Ang epekto ay dapat na mawala pagkatapos ng maraming dosis habang ang iyong katawan ay nag-aadjust sa gamutan. Mas mabuti na humiga o umupo kung ang mga sintomas ay nananatili. Ang paninigas ng kalamnan/pulikat o sakit/ pamamaga/ pagkapasa sa iniksyong bahagi sa katawan ay maaring mangyari. Kung alinman sa mga epekto ang mananatili o lulubha, ipaalam agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Maraming taong gumagamit ng medikasyon ang hindi nakakaranas ng malubhang epekto. Sabihin agad sa iyog doktor kung alinman sa bihira ngunit seryosong epekto ay nagaganap: Pagkahimatay, paninigas ng dumi, bihirang pagkapagod, pagbabago sa pag-iisip/kalooban (katulad ng pagkalito). Ang labis na seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Ngunit, humanap ng atensyong medikal kung may napansing kang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi, katulad ng: pantal, pangagati/ pamamaga (lalo na sa mukha/dila/ lalamunan), malubhang pagkahilo, at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Teriparatide , sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakakaranas ng alerdyi dito; o kung mayroon kang iba pang alerdyi. Ang produkto ay maaring maglaman ng hindi aktibong sangkap, na maaring magdulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang kasaysayang medikal, lalo na : iba pang sakit sa buto (katulad ng kanser sa buto) mataas na antas ng kalstyum sa dugo (hypercalcemia), bato sa apdo. Ang gamit ay maaring makapag dulot ng pagkahilo. Huwag magmaneho, gumamait ng makinarya o gumawa ng aktibidad na nangangailangan ng pagka-alerto hanggang sa ikaw ay sigurado na magagawa ang mga aktibidad nang ligtas. Limitahan ang inuming alkohol. Bago magpa-opera, sabihin sa iyong doktor o dentista ang lahat ng produktong ginagamit (katulad ng de-resetang gamot, hindi niresetang gamot at produktong erbal. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».