Terpin hydrate, codeine

Isotec Pharmaceeuticals | Terpin hydrate, codeine (Medication)

Desc:

Ang Terpin ay isang expectorant, na nagpapaluwang ng uhog at ang codeine ay isang antitussive na nakakapagpigil ng ubo. Ang kombinasyon ng gamot ay ginagamit para makontrol ang ubo na may kasamang sipon o iba pang uri ng sakit sa baga na madalas ay ginagamot sa paggamot ng acute at chronic bronchitis. Ang gamot na ito ay de-reseta at iniinom lamang, batay sa direksyon ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa gamot. Huwag taasan o damihan ang dosis nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Kadalasan ang Terpin hydrate at codeine ay nakakaya at ligtas sa mga tao at hindi nagdudulot ng malubhang masamang reaksyon. Kadalasan ito at nagdudulot ng pagkaantok, pagkahilo, pagkawala ng gana, pagduwal o pagsakit ng sikmura. Kung alinman sa mga ito ay mananatili o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang bihira ngunit seryosong epekto nito ay: ang pagbagal ng pulso, pagkalito ng pag-iisip, pagbabago ng kalooban, pantal sa balat o hirap sa paghinga. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito ay agad humanap ng tulong medikal. Ang alerdyi ay bihira din, ngunit kumuha ng medikal na pangagalaga kung alinman sa mga sumusunod na sintomas ay nagaganap: pantal; pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha o makating pantal. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot ay ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang klase ng alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon; sakit sa baga katulad ng hika o epaysima, depresyon, problema sa paninigas ng dumi o kasasayan ng paggamit ng gamot. Dahil ang Terpin hydrate at codeine ay nakakapag dulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho o gumamit ng mabigat na makinarya hanggang sa sigurado ka na ligtas na magagawa ang aktibidad. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».