Augmentin
GlaxoSmithKline | Augmentin (Medication)
Desc:
Ang Augmentin ay tinukoy para sa paggagamot ng mga sumusunod na inpeksyon sa mga adulto at bata: akyut na bakteryal sinusaitis; akyut na otaitis medya; akyut na pagpalala ng kronik na brongkitis; pulmonyang nakuha sa komunidad; cystitis; pyelonephritis; mga inpeksyon sa bata at malambot na tisyu partikular sa: selulaitis, kagat ng hayop, matinding nana sa bibg kasama ng kumakalat na selulaitis; mga inpeksyon sa buto at kasu-kasuan, partikular sa osteomyelaitis. Ang konsiderasyon ay dapat na ibigay sa opisyal na paggabay sa tamang paggamit ng mga antibakteryal na ahente. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epekto ay maaaring may kasamang: pagtatae – humingi ng agarang abisong medikal kung ikaw ay magkaroon ng pagtatae habang paggagamot o pagkatapos agad ng ihinto ang paggamit ng Augmentin. Ang karaniwang mga epekto ay maaaring may kasamang: mga epektong gastrointestinal tulad ng pagduduwal, pagsusuka; inpeksyon sa balat, kuko o membranong mukosa. Ang mga hindi karaniwang epekto ay may kasamang: mga abnormal na resultang laboratory; pakiramdam ng pagkahilo; mga sakit ng ulo; hindi natunawan; pamamantal ng balat, urtikarya o pangangati. Ang mga madalang na epekto ay may kasamang: mga problema sa dugo at utak ng buto; erythema multiforme – humingi ng agarang abisong medikal kung ikaw ay magkaroon ng alinmang uri ng reaksyon sa balat. Ang ibang mga epekto ay maaaring may kasamang: itim na dila; pagbabago sa oras ng pamumuo ng dugo; kolaitis; mga kombulsyon – ang kombulsyon ay naiulat sa mga taong tumanggap ng mataas na dosis ng Augmentin o sa mga taong mayroong problema sa bato; hayperaktibidad; haypersensitibong mga reaksyong kasama ng angioedema, anaphylaxis, at vasculitis; mga problema sa bato, problema sa atay kasama ng paninilaw; maaaring makaapekto sa resulta ng ilang eksamin sa sobrang paglaki ng mga mikroorganismo na hindi apektado ng Augmentin, mga problema sa balat tulad ng sindrom ng Stevens-Johnson o nakalalasong epidermal nekrolisis; mga problema sa pag-ihi. ...
Precaution:
Huwag gamitin ang Augmentin kung ikaw ay hindi hiyang sa amoksisilin o clavulanate potassium o kung ikaw ay nagkaroon ng mga problema sa atay na sanhi ng medikasyong ito. Huwag gagamitin ito kung ikaw ay hindi hiyan sa kahit anong ibang antibiyutikong penisilin. Upang siguraduhing ligtas mong maiinom ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may alinman sa ibang mga kondisyon: sakit sa atay (o kasaysayan ng hepataitis o paninilaw); sakit sa bato; mononucleosis; o kung ikaw ay hindi hiyang sa antibiyutikong cephalosporin, tulad ng cefdinir, cefprozil, cefuroxime, cephalexin at iba pa. ...