Testosterone - transdermal

Wockhardt | Testosterone - transdermal (Medication)

Desc:

Ang Testosterone ay ginagamit para sa pagpalit ng hormone sa lalaki na hindi kayang makapagbuo ng sapat na testosterone (e,g. , hypogonadism). Ang gamot ay sinisipsip nang balat, at pumapasok sa daluyan ng dugo, at tumutulong sa iyong katawan para maabot ant normal na antas ng testosterone. Ang testosterone ay tumutulong para makapagbuo ng esperma at para bumuo at mapanatili ang sekswal na katangian ng lalaki (pagkalalaki), katulad ng malalim na boses at buhok sa katawan, Ito ay tumutulong na mapanatili ang kalamnan at maiwasan ang pagkawala ng buto,at kailangan para sa natural na sekswal na abilidad/ pagnanasa. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin ng kababihan. ...


Side Effect:

Ang pangaNgati, pagka-irita o hindi komportable sa bahagi na pinahiran ay magaganap sa unang ilang araw habang ang iyong katawan ay nagaadjust sa patse. Ang ibang mga masamang epekto ay kabilang ang tagihawat, sakit ng ulo, pagkalagas ng buhok, pagkabalisa, o pagbabago sa sekswal na pagnanasa. Kung alinman sa mga epekto ay nanatil at lumala, ipaalam agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Marami sa mga gumagamit ng gamot ay hindi nagkakaroon ng masamang epekto. Ipaalam agad sa iyong doktor kung alinman sa mga bihira ngung seryosong masamang epekto ay nagaganap: ang sakit sa suso/ paglaki, pamamaga ng paa/bukong-bukong (edema), pagtaas ng timbang, labis na mabagal/ mababaw / mahirap na paghinga (lalo na sa pagtulog), hindi karaninwang pagkapagod. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga bihira ngunit seryosong masamang epekto ay nagaganap: hirap sap ag-ihi, pagbabago ng pag-iisip/ kalooban (e. g. , depresyon, pagkabalisa, galit) ang pagbabago sa sukat/hugus ng testicles, pananakit ng testicle/ paglambot, sakit ng sikmura/tiyan, paninilaw ng ihi, paninilaw ng mata/balat ,pagbabago sa dami n g ihi, paglambot ng kalamnan ng binti/pamamaga/ masakit. Sa bihirang kaganapan ay nagkakaroon ka ng masakit at matagal na pagtayo na tumatagal ng apat na oras o maraming oras, itigil ang paggamit ng gamot at humanap ng agaeang atensyong medical, dahil maaring manatili ang permanenteng problema. Ang tulad ng pagkasunog na reaksyon ay bihirang maganap. Ang permanenteng peklat ay maaring maganap, kaya sabihin agad sa iyong dokot kung ang klase ng reaksyo na ito ay nagaganap habang ginagamit ang patse. Kung mayroon kang diyabetis, lalo na kung ikaw ay gumagamit ng insulin, ang testosterone ay maaring magpababa ng iyong blood sugar. Maging handa para gamutin ang pagbaba ng iyong blood sugar habang ginagamit ang gamot. Kabilang sa sintomas ng mababang blood sugar ay pangiginig, pagkanerbyos, mabili na pulso at pagpapawis. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na ito, ay kumonsulta sa dokto. Ang labis na seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira , ngunit humanap ng agarang atensyong medical kung ito ay nagaganap. Kabillang sa sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi ay :pantal, pangangati / pamamaga( lalo na sa mukha/ dila/ lalamunan) labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. Ito ay hindi kumpletong listahan ng posibleng masamang epekto. Kung napansin mo ang ibang epekto na nakalista sa itaas, ay makipag-ugnay sa iyong dokto o parmasyutiko. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap (tulad ng toyo), na maaaring maging sanhi ng mga reaksiyong alerdyi o iba pang mga problema. Kausapin ang iyong parmasyutiko para sa higit pang mga detalye. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung mayroon kang ilang mga kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon ka: kanser sa suso ng lalaki, kanser sa prostate. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayan ng medikal, lalo na sa: mga may problema sa atay, mga problema sa prosteyt (hal. , Pinalaki na prosteyt o BPH), mga problema sa puso, mga problema sa bato, diyabetis, mataas na antas ng kolesterol, nahihirapang huminga habang natutulog (apnea), mataas na presyon ng dugo,kanser sa buto. Kung magkakaroon ka ng isang pagsusuri sa MRI, abisuhan ang mga tauhan na magsusuri na ikaw ay gumagamit ng patse. Ang mga malubhang pagkasunog ay maaaring mangyari sa panahon ng mga pagsubok sa MRI dahil sa aluminyo na nilalaman ng mga patse na ito. Dapat itong alisin bago ang pagsusuri sa MRI o kumunsulta sa iyong doktor para sa mga tiyak na tagubilin. Pinapayuhan ang matinding pag-iingat kung gagamitin ang gamot na ito sa mga bata dahil baka mapigilan nito ang pagbikis atg paglaki ng bata. Maingat na subaybayan ang bilis ng paglaki ng bata. Ang mga mas nakatatandang kalalakihan ay maaaring may mas malaking panganib para sa pagbuo ng isang pinalaki na prosteyt o kanser sa prostate habang ginagamit ang gamot na ito. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».