Tetanus toxoid - injection
Unknown / Multiple | Tetanus toxoid - injection (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Tetanus Toxoid upang maiwasan ang tetanus (kilala rin bilang lockjaw). Ang Tetanus ay isang seryosong karamdaman na nagdudulot ng mga kombulsyon (seizure) at matinding pulikat ng kalamnan na maaring makapagdulot ng pagkabali ng buto sa gulugod. Ang Tetanus ay sanhi ng pagkamatay sa tatlumpu hanggang apatnapung porsyento ng mga kaso. ...
Side Effect:
Ang pinaka-karaniwang epekto ay: banayad na lagnat, sakit ng kasukasuan , pananakit ng kalamnan, pagkapagod, o sakit/pamamaga/pamumula sa bahagi nang katawan na iniksyon ay maaring mangyari. Ang Acetaminophen ay maaring gamitin para mapawi ang mga epekto nito. Kung alinman sa mga epekto ito ay mananatili o lumala, sabihin agad sa iyong doktor at parmasyutiko. Karamihan sa mga bata na gumagamit ng gamot na ito ay hindi nagkakaroon nang masamang epekto. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga bihira ngunit labis na malubhang epekto ay nagaganap : panginginig ng kamay/ paa, problema sa tainga, hirap sa paglunok, panghihina ng kalamnan ,pangingisay. Ang isang napaka-seryosong reaksyon ng alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunpaman, humingi ng agarang medikal na atensyon kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi, kabilang ang: pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo,hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang pagbabakuna, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw o ang mga bata ay nakakaranas ng alerdyi dito o sa iba pang bakuna. Ang produktong ito ay maaring maglaman ng hindi aktibong sangkap ( katulad ng latex ), na maaring makapagdulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Ang gamot na ito ay hindi dapat na gamitin kung ikaw ay o ang bata ay may kondisyong medikal, Bago gamitin ang gamot, ay kumosnulta sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay o ang bata ay mayroong: kasaysayan ng malubhang reaksyon sa bakuna ( e. g. , pagkalumpo, encephalopathy ). Bago gumamit ng gamot, sabihin sa doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayan ng medisina ng iyong anak, lalo na sa: mga karamdaman sa pagdurugo (hal. hemophilia, mababang platelet), kasaysayan ng Guillain-Barre syndrome, mataas na lagnat pagkatapos ng nakaraang pagbakuna, iba pang reaksyon (hal. pamamaga, pangangati sa lugar ng pag-iiniksyon ) pagkatapos ng nakaraang pagbabakuna, mga karamdaman sa immune system (hal. , mga autoimmune disorder, paggamot sa radiation), sakit / impeksyon, mga pangingisay, iba pang mga karamdaman sa sistema ng utak (hal. pagkalumpo, pamamanhid / pagkalagot, matinding pagkaantok, pagkalito). Ang gamot na ito ay maaaring maglaman ng mercury (sa preservative thimerosal) at hindi dapat gamitin sa mga batang mas bata sa pitong taong gulang. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...