Thioguanine - oral

GlaxoSmithKline | Thioguanine - oral (Medication)

Desc:

Ang Thioguanine ay kabilang sa klase ng gamot na kilala bilang purine antagonists. Ito ay nagpapabagal o nagpapatigil ng paglaki ng selula ng kanser. Ang gamot na ito ay ginagamit kasama ang iba pang gamot para gamutin ang tiyak na uri ng kanser (acute nonlymphocytic leukemia). Uminom ng maraming likifo habang ginagamit ang gamot na ito maliban kung hindi idinerekta ng iyong doktor. Ang paggawa nito ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng mga epekto (e. g. , kidney stones). ...


Side Effect:

Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunman, humanap nang agarang atensyong medical kung napansin moa ng sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi, kabilang ang: pantas, pangagati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), lubhang pagkahi, hirap sa paghinga. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng anumang mga palatandaan ng isang impeksyon tulad ng lagnat, panginginig, o paulit-ulit na namamagang lalamunan. Sabihin agad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga hindi malaman ngunit seryosong epekto ay nangyayari: madaling pagkapasa / dumudugo, pagkahilo / pagkahimatay, sakit sa kasukasuan / pamamaga, paulit-ulit na pagduwal / pagsusuka, sakit sa sikmura / tiyan, singaw sa dila / bibig o pananakit, hindi pangkaraniwang pagkapagod, madilaw na ihi, naninilaw na mga mata / balat. Ang sakit sa tiyan, pagduwal, pagsusuka, at pagtatae ay maaaring mangyari. ...


Precaution:

Huwag magkaroon ng immunizations/ pagbabakuna ng walang pagsang-ayon ng iyong doktor, at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga tao na kamakailan ay tumanggap ng bakunsa sa polio o bakuna sa lagnat na nasisinghot sa ilong. Ang gamot na ito ay hindi inirerekomenda na gamitin habang nagbubuntis. Ito ay maaring magdulot ng peligro sa hindi pa ipinapanganak na sanggol . Kumonsulta sa iyong doktor sa iba pang detalye at upang talakayin ang maaasahang mga paraan ng pagpigil sa kapanganakan. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na sa: iba pang mga karamdaman sa dugo (e. g. , Anemia, mababang bilang ng selula ng dugo), gout, kidney stones, sakit sa atay. Bago kumuha ng thioguanine, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay nakakaranas ng alerdyi dito; o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».