Thioplex

Amgen | Thioplex (Medication)

Desc:

Ang Thioplex/thiotepa ay isang gamot sa kanser (antineoplastic). Ang gamot na ito ay humadadlang sa paglaki ng selula ng kanser at nagpapabagal sa pagdami at pagkalat sa katawan. Ang Thioples ay ginagamit para gamutin ang kanser sa suso, obaryo, apdo at iba pa. ...


Side Effect:

Ang pananakit/pamumula sa bahagi na iniksunan, pagkahilo, sakit ng ulot, malabong paningin, lagnat, pagduduwal, pagsusuka, sakin ng sikmura/tiyan, o pagkawala ng gana ay maaring mangyari. Ang pagbabago sa diyeta katulad ng pagkain ng kaunti o paglimita sa mga aktibidad ay maaring makatulong upang mabawasan ang mga epekto nito. Sa ibang kaso, ang gamutan ay maaring kailanganin para maiwasan o mapawi ang pagduduwal o pagsusuka. Kung alinman sa mga epekto ay manatili o lumala, sabihin agad sa iyong doktor o parmasyutiko. Ang pagkalagas ng buhok ay isa sa mga madalas na masamang epekto. Ang normal na pagdami ng buhok ay dapat na bumalik pagkatapos matapos ang gamutan. Ang labis na seryosong reaksyong alerdyi ay bihira. Gayunpaman, ay kumuha ng agarang tulong medikal kung napansin mo ang mga sintomas ng seryosong reaksyon alerdyi, katulad ng:pantal pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan ) , lubhang pagkahilo , hirap sa paghinga. Ang mga masakit na singaw sa labi, bibig, at lalamunan ay maaaring mangyari. Upang mabawasan ang peligro, limitahan ang mga maiinit na pagkain at inumin, maingat na magsipilyo, iwasang gumamit ng mouthwash na naglalaman ng alkohol, at banlawan ang iyong bibig ng malamig na tubig. Ang gamot na ito ay maaaring magpababa ng kakayahan ng katawan na labanan ang isang impeksyon. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng anumang mga palatandaan ng isang impeksyon tulad ng lagnat, panginginig, o paulit-ulit na namamagang lalamunan. Ang gamot na ito ay maaari ring maging sanhi ng malubhang pagdurugo. Sabihin agad sa iyong doktor kung may mga palatandaan ng malubhang pagdugo, kabilang ang: madaling pakapasa/pagdurugo, duguan/itim/ tarry stools, pag-ubo ng dugo, mga nosebleed na madalas o mahirap pigilan, pagkahilo/pagkahimatay, mabilis/hindi regular na pagtibok ng puso, maputla/kulay-abo/mala-bughaw na balat, hindi pangkaraniwang pagkapagod/panghihina, pagsusuka na duguan o parang mga maliliit na butil ng kape. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Thioplex ay sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may alerdyi ditto; o kung ikaw ay may ibang alerdyi. Ang produktong ito ay maaring maglaman ng hindi aktibong sangkap, na maaring madulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Kausapin ang iyong parmasyutiko para sa ibang detalye. Bago gamitin Ang gamot, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko any iyong kasaysayang medikal, lalo na: problema sa bone marrow (e. g. , mababang bilang ng selula ng dugo/platelets sa nakaraang chemotherapy/ radiation treatment), sakit sa bato, sakit sa atay. Maghugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon . Huwag magkaroon ng immunization/pagbabakuna ng walang pagsang-ayon ng iyong doktor, iwasan ang pakikipag-ugnay sa mga tao na kamakailan ay tumanggap ng pagbabakuna sa polio o pagbabakuna sa lagnat na nasisinghot sa ilong. Upang mapababa ang iyong peligro na maputulan, mabugbog, o mapinsala, mag-ingat sa mga matutulis na bagay tulad ng mga labaha at pamutol ng kuko, at iwasan ang mga aktibidad tulad ng contact sports. Bago magpa-opera, sabihin sa iyong doktor o dentista na ginagamit mo ang gamot na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».