Thioproperazine - oral

Unknown / Multiple | Thioproperazine - oral (Medication)

Desc:

Ang Thioproperazine ay isang psychiatric na gamot na nasa klase ng mga gamot na tinatawag na antipsychotics. Ang gamot na ito ay ginagamit para gamutin ang ilang mga karamdaman sa pag-iisip o kalooban tulad ng schizophrenia at manic phase ng bipolar disorder. Ang gamot na iton ay gumagana sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na mag-isip ng mas malinaw, pakiramdam ng hindi gaanong kabahan, makilahok sa pang-araw-araw na buhay, pagbawas sa agresibong pag-uugali at pagnanasang saktan ang iyong sarili o ang iba, at ang pagbawas ng guni-guni. Ang Thioproperazine ay isang reseta lamang na gamot at dapat na iniimom, tulad ng itinuro ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dosis o dalas nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Tulad ng anumang gamot, maaaring mangyari ang mga epekto. Kadalasan, ang Thioproperazine ay maaaring maging sanhi ng:paninigas ng dumi, pagkahilo, pagbabago ng paningin o pagtuyo ng bibig. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, ay tawagan ang iyong doktor. Kalasan ang hindi malubhan ngunit seryosong salungat na reaksyon ay kinabibilangan ng:pagkabagabag, paninigas ng kalamnan, panghihina, kahirapan sa pagsasalita, pagkawala ng balanse, parang maskara sa ekspresyon ng mukha, nanginginig o panginginig, pagkahilo, pagsampal ng labi o iba pang hindi mapigilan na paggalaw, nahihirapan sa pag-ihi, pantal sa balat o pagbabago ng kulay, pananakit lalamunan, hindi pangkaraniwang pagdurugo o pagkapasa, sakit ng tiyan, pamumutla ng mga mata o balat, maitim na ihi, mainit na tuyong balat, pagsusuka, matinding paghihigpit ng kalamnan, pagkalito, lagnat, mga pangingisay, hindi regular o mabilis na pagtibok ng puso, nadagdagan ang pagpapawis, matagal o masakit na paninigas. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. Bihira rin ang isang reaksyon sa alerdyi, ngunit kumuha ng pangangalagang medikal kung ang alinman sa mga sumusunod na sintomas ay nangyayari: pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito ay ipaalam sa iyong doktor kung may iba kang uri nga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang medisina o kung nagkaroon ka ng alinman sa mga sumsunod na kondisyon: sakit sa bato, sakit sa atay, sakit sa puso, sakit sa dugo, Parkinson’s disease, sakit sa pangingisay, or glaucoma. Dahil ang Thioproperazine ay, maaring magdulot ng pagkahilo at pagka-antok, huwag magmaneho o gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang ikaw ay ligtas na magagampanan ang mga aktibidad nang ligtas. Limitahan din ang paggamit ng alcohol. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».