Thyroid replacement - oral
Unknown / Multiple | Thyroid replacement - oral (Medication)
Desc:
Ang Thyroid replacement therapy ay inirereseta kapag hindi sapat ang hormon ng teroydeo na inilalabas ng thyroid gland. Ang Throid replacement ay hindi dapat gamitin upang gamutin ang mga tao na may katabaan dahil may malaking posibilidad na ito ay magresulta sa mga sitwasyong nagbabanta sa buhay. Ang sobrang bilang ng hormon ng teroydeo ay maaring magresulta sa hindi normal na pagtibok ng puso, pakiramdam na hindi mapalagay, kakulangan sa timbang, at problema sa pagtulog. ...
Side Effect:
Ang pinaka-karaniwang indikasyon na iyong mararanasan kung naubos ang bilang ng teroydeo ay pagkapagod, sakit ng kalamnan, hirap sa paggalaw ng bituka, tuyo ang balat, tumataas na timbang, mabagal na pagpagpagtibok ng puso, madaling ginawin, tuyo at mabilis na masira ang buhok. Ang mga indikasyon ay madaling mawawala kapag ang iyong katawan ay nasanay sa gamot. Subalit, kung ang mga sintomas ay mananatili at nakakabahala, ay ipaalam sa iyong doktor. Ang sintomas ng pagtaas ng bilang ng teroydeo ay kinabibilangan ng, pagka-inis, pananakit ng dibdib, mabilis na pagtibok ng puso, hirap sa paghinga , panginginig, hindi normal na pagpapawis, matubig na pagdudumi, at kakulangan sa timbang. Kung mayroon kang mga nakakabahalang sintomas, ay makipagkita agad sa iyong manggagamot para masuri ang iyong kondisyon. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot, sabihin sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na:sa may problema sa puso, diyabetis, adrenal gland problems, alinmang alerdyi (kabilang ang alerdyi sa gamot). Iwasan ang paggamit ng gamot para sa teroydeo para sa pagkontrol ng timbang. Pinagpapayo nang pag-iingat na kung gagamit ng gamot para sa mga nakatatanda dahil sila ay maaring mas sensitibo sa mga epekto ng gamot. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...