Aurolate
Akorn Pharmaceuticals | Aurolate (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay ginagamit bilang parte ng isang kompletong programang paggagamot upang gamutin ang aktibong rayuma, kasama ang mga terapiyang walang gamot (halimbawa, pahinga, pisikal na terapiya). Ito ay ginagamit upang gamutin ang mga pasyenteng mayroong matinding rayuma na hindi na tumugon o hindi pwedeng uminom ng ibang mga medikasyon. Ang medikasyong ito ay itinuturol sa kalamnan ng isang propesyonal sa alagang pangkalusugan, kadalasan ay sa pwet. Kakailanganin mong humiga habang nagtuturok at para sa 10 minuto upang mabawasan ang mga panganib ng epekto tulad ng pagkahilo. ...
Side Effect:
Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng mga sugat sa bibig/labi/lalamunan (stomataitis). Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may metalik na panlasa sa iyong bibig. Ito ay maaaring unang senyales ng stomataitis. Ang pamumula, pagkahilo, sakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka, panghihina, at pamamawis ay maaaring mangyari agad pagkatapos ng indyeksyon. Ang tumaas na sakit ng kasu-kasuan ay maaaring mangyari sa loob ng 1-2 araw pagkatapos ng pagtuturok. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa iyong doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Ang medikasyong ito ay maaaring gawin kang mas sensitibo sa araw. Kaya naman, iwasan ang matagal na pagkakababad sa araw, mga pangungulting kubol, at ilaw na araw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng protektibong damit kapag nasa labas. Bago gamitin ang Aurolate, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyan sa gold sodium thiomalate o sa kahit anong ginto o mabigat na metal na langkapan; o kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Ang medikasyong ito ay naipapasa sa gatas ng ina at maaaring mayroong mga hindi kaaya-ayang epekto sa pinadidedeng sanggol. Konsultahin ang iyong doktor bago magpasuso. ...